Huwebes, Hunyo 27, 2013

Asukal
Princess Mae Endaya
III SPA B

"Waaaahhhhhh! ano ako? Bakit ako ganito?" Ang malakas na sigaw mula sa isang kwarto sa apartment.

      Minsan abalang-abala si Aiza sa paggawa ng proyekto. Matalas ang kanyang mata kaya kaagad nakita ang maliit na langgam. Halang ang bituka ni Aiza pagdating sa hayop. kaya inapakan niya ang mga langgam.
 
       "Naku! Nakakainis kayo. Sa dinami-dami nyong pwedeng guluhin, ako pa ang napili nyo. Kinain nyo pa ang kendi ko." Kunot na kunot na ang noo nya. Pinatay niya ang maliliit na langgam.

     Kinabukasan, maaga siyang nagising. Parang hinalong pansit ang kanyang isip. gulong-gulo siya. Hindi niya alam ang gagawin. Walang maisip na maidahilan sa kanyang guro. Biglang pumasok saisip niya ang guyam na gumulo sa kanya, kumukulo ang dugo niya sa langgam na iyon dahil ito ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang kanyang proyekto. Napatingin siya saorasan 6:30 na pala.Nagmamadali si Aiza dali dali kinukuha ang toothbrush niya.

    "Blag!" tila isang bagay na nabasag. "Ano bang nangyayari sa'kin, ang liit liit tapos ang itin ko?" Biglang bumukas ang pinto at sumigaw. " Aiza.. Aiza.. Aiza.. Saan kaya nagpunta yun? Yung project namin pa niya tapos. Ang pangangamba ng kaibigan ni Aiza.

     Hindi makasagot si Aiza dahil sa takot na baka iwasan siya ng mga tao pag nalaman na siya ay isang langgam. Nagpalakad lakad siya hanggang makarating sa isang malawak na lugar napuro matatamis na pagkain. Nakita ni Aiza ang langgam na may magarang kasuotan at may nagkikintaban sa mga ulo nito.

    Lakad pagong lumapit si Liza sa kanya, mahinahong nagsalita si Aiza. "Bakit ang lungkot mo?" Maya maya may tumulong luha sa mga mata ng langgam. "Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala!" Napaisip si Aiza hindi niya maintindihan ang sinasabi ng langgam.

     "Sino ka ba ha?" ang tanong ni Aiza. "Ako ang hari ng mga kinagagalitan mo. May munti lang akong tanong sa'yo. Alam mo ba kung nasaan ang aking reyna?" Magsanga sangang dilasi Aiza at naalala niya ang langgam na pinatay niya. Namula ang mukha niya attila may gusto s'yang sabihin. "Anong nangyayari sa'yo, bakit mukha mo'y namumula?"

     "Ahhhhh...(lumuhod sa harap ng hari) Patawad po, hindi ko ko sinasadya." Natulala ang haring at biglang natumba. Galit na galit ang hari kay Aiza kaya pinarusahan niya ito. "Magiging langgam ka habang buhay at ikaw ay magiging alila dito sa aming palasyo!" Napaluhod si siya at nagmakaawa sa hari, ngunit buo na ang disisyon nito.

   Isang araw pinatawag si Aiza ng hari upang bigyan ng gawain. Ngunit kitang kita pa rin sa mukha ni Aiza ang lungkot. Dahil sa galit ng hari sa ginawa sa reyna niya ay hindi niya pwedeng palayain ito. Dahil patakaran nila ito sa palasyo.

  Inutusan si Aiza na pumunta sa lupa at humanap ng pagkain. Habang naghahanap siya, may nakita siyang isaing butil ng asukal. Sa 'di inaasahang pangyayariay naapakan siya, naipit ang tiyan niya. Nag-agaw buhay siya dahil walang tumulong sa kanya, nawalan na siya ng buhay.

   "Aiza, Aiza, Aiza. GISING!" ang munting narinig niya. kidlat siya bilis siyang napabangon. Tumingin tingin sa paligid na parang nawawala siya. Hindi niya alam ang nangyayari, hinalong pansit ang isip niya. "Anong nangyari? Asan ako nasa langit na ba ako?" tuloy tuloy na tanong si Aiza.

   "Hoy Aiza! Nananaginip ka, wag kang loka. Umayos ka! Ang taas naman ng pangarap mo, ano bang nangyari sa'yo?" Hindi sinabi kung anong nangyari sa kanya dahil alam miyang tatawanan lang s'ya ng kaibigan niya. Masayang masaya siya dahil bungang tulog lang ang lahat ng pangyayari ito. Bukalo sa loon  niyang pinangako sa sarili na mamahalin, aalagaan at hindi sasaktan ang mga hayop dahil kagaya rin ng tao kapag may nawala na mahal ay lubos na masaktan sila.

    Para kay Aiza, pangalawang buhay niya ang paggising niya mula sa kanyang panaginip. Pangalawang buhay niya bilang tao at kahit anong mangyari ay mas gusto niyang mabuhay bilang tao.

    Isang araw kumakain si Aiza ng mangga na may lahok sa asukal. Ng may lumapit sa kanyang langgam. Ano kayang gagawin ni Aiza?...

Martes, Hunyo 25, 2013

Second chance      
By: Ma.Shaina L. Tiburania III-SPA-B

    Ngayon ay nag-aagaw -buhay na ako at sa hindi alam na dahilan, parang nasa isang bungang tulog ako dahil kulay puti na ang paligid. At alam ko na kung nasaan ako. Nakikita ko na ang kamay na inaabot sa akin ni Lord. At parang naisulat na yata sa tubig ang mga nangyayari sa mundong ibabaw dahil kinuha ko ang  kamay na iniabot sa 'kin. Nagtanong ako sa kanya kung bakit niya ako kinuha agad dahil isa pa lang akong musmos at marami pang maaaring gawin sa buhay. May daga man ako sa dibdib, buong tapang ko iyong nasabi sa kanya. papel Hindi niya ako inimikan, bagkus ay nakatitig lang siya sa akin at waring kinikilatis ako. Nakiusap ako sa kanya na kung pwede ay ibalik nya ako sa lupa dahil marami pa akong gustong magawa roon. nagsalita siya at sinabing "malapad ang papel mo at alam ko rin na marami ka pang gagawin sa lupa. pababalikin kita sa lupa pero walang makakaalala sa 'yo."

           Para akong nasakluban ng langit dahil sa sinabi niyang iyon. Ano na lang ang silbi ko sa lupa kung wala nang nakakaalaala sa akin? "At isa pa, kung muli kang makakabalik sa lupa.. iba ka na. Ikaw ang magsabi kung ano nang gusto mong maging kapag pinabalik na kita sa lupa."

           Nag-isip ako ng nag-isip. Ano kaya ako pagbalik sa lupa?

           Mas gugustuhin ko na lang ang maging taong muli kahit walang nakakaalala sa akin.

           "Pero bakit naman  tao ulit? Ayos lang sa 'yong maging taong muli kahit walang nakakaalala sa 'yo?" wika niya.

          Sumagot ako at sinabing "ayos lang po yun...dahil marami po akong dahilan."

         "Ano naman iyon at paano mo mapahahalagahan ang pangalawang buhay na ibinigay ko sa 'yo?"

         "Gusto ko po kasing makahingi ng tawad sa mga nagawan ko ng kasalanan. At mapaligaya ang mga mahal ko sa buhay." at ngumiti siya sa akin.

            Pagkagising ko, narito na ako sa paaralan. Isang kolehiyo. samantalang noong dati ay isa pa lamang akong elementarya. Pero sabi nga sa akinni Lord, gawin ko daw dapat ng maayos at makabuluhan ang pangalawang buhay na ibinigay niya sa akin.

           At ngayon habang naglelesson ang professor namin ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha na katabi ko lang...ang ate ko. Napangiti ako dahil kaya pala nandito ako, dahil ng ate ko. Pagkatapos ng klase namin nag-usap kami ng ate ko at naging magkaibigan kami.
        Iba na ang pangalan ko ngayon. Dati ako si Shaina pero ako ngayon ay si Eris. Naging matalik kaming makaibigan. Araw-araw kaming namamasyal sa kung saan-saan. Lagi ko rin siyang pinasasaya. At sabi nya pa sa akin namimis nya daw bigla yung kapatid niyang pumanaw na. At naalala niya raw sa akin yung kapatid niyang yun dahil ang kulit-kulit ko daw. Isang araw, nagbigay ng homework ang aming prof at syempre partner kami ang ate ko...ang bestfriend ko ngayon.
         

Lunes, Hunyo 24, 2013

Ikaw ba ito?

Anak pawis kang tinuran
Buto’t balat ‘yong katawan
Bungang - tulog buong buhay
Ang yaman na suntok sa b’wan.

Haligi ng ‘yong tahanan
Ay lalaking sampid bakod
H’wag turingang patay-gutom
Basag-ulo ang kasunod.

Itong ilaw ng tahanan
Kuskos balungos ang hilig
Usad-pagong kanyang buhay
Reklamo ang bukang-bibig.








Lunes, Hunyo 10, 2013

TAYO ANG MAY KASALANAN
Ni Marian Ruth Macaguiwa
GRADE 8-SPA-B

Ang  hangin dati'y malinis
Ngayon,ako'y naiinis
ang baho at ang alikabok
hindi ako makahinga!!!

Puno yan ang pinuputol
Kawawang mga halaman
Pagminsan ay kinakalbo
Ano ba namna kasi yan!!!

Hindi ako nagtataka
Kung bakit ubos na sila
Tayo din ang may dahilan
Nang nasirang buhay nila

Kung atiang inaalagaan
At hindi pinapabayaan
Tayo ang nahihirapan
Sa kanilang kalagayan

Kaya sama-sama tayo
Hindi pa huli ang lahat
Gumagawa ng panibago
Simulan ulit natin 'to
Pag may Tyaga, May Nilaga
ni Aizell Castillo
Grade 7 SPA B

 go aizell,..go aizell yan ang mga cheer ng mga ka team ko sa larong ito.


Noong una,hindi ako marunong.
Ngunit napag-isip isip ko,kailangan kong matuto
kasi isa to sa mga napakahalagang laro
na napapanood ko
sapagkat sa pamamagitan nito ay
nakakapagkondisyon ako ng aking katawan.

Hindi nagtagal,natuto na ako...
lagi namin itong nilalaro sa paaralan
noong ako'y nasa elementarya pa lang.
Hindi namin alam,
inoobserbahan pala kami ng aming teacher.

Miyerkules noon,
sa hindi inaasahang pagkakataon,
ini-announce ng aming guro
ang mga lalahok sa darating na cluster meet
sa Canubing Elementary School.
sa kagandahang palad,
napili ako na lumahok sa nasabing cluster meet.

Habang nalalaro ako,
iniisip ko na kailangan kong galingan
dahil ayon sa aming teacher
eh mataas daw ang maiiambag na marka nito para

Iyeezz!
Champion kami...

Sobrang natuwa ko noon...
Tapos ipinost na ang mga top five students...
guess what? Top 3 ako!

Kaya ko ito naging paboritong laro eh.
ngayon masasabi ko na....
I LOVE PLAYING VOLLEYBALL!
                           

             
Ang buhay ng kikay PART 1
by:Ma.Shaina L. Tiburania

Oh My!!! Ang ingay naman ng mga tandang na to.. !! SUPERANTOK pa ako eh...pero kailangan ko ng bumangon, dahil kailangan ko na ring pumasok sa school.Naririnig ko na sa di kalayuanang lagaslas ng tubig na syang nagpapalamig sa aking pakiramdam at pandinig. pero kahit ganon,pero kahit ganon, tuluyan pa rin akong pumasok sa aming banyo at nagbuhos agad. GRABE!!! alis mandin ang antok ko.. Nagmadali na ako sa pagligo dahil baka ma-late pa ako. Pagkalabas ko sa banyo, may naamoy agad ako sa aming lamesa. Nakatakip nga lang sya kaya hindi ko makita, pero sigurado ako na yun ay adobo ni mama....HMMMM!! LANGHAP SARAP!!.. Adobo with milo protomalt pa.. Then ayun, pagkatapos kong kumain ng bonggang-bongga..ay uminom na ako ng tubig..

AYOOOWN!!.. ang bango bango naman nitong hawak ko, tapos ang cool pa ha... ang cute pa ng kulay..kulay rainbow kasi... so i put it in my toothbrush and i start brushing my teeth.. at pagkatapos IT IS SO REFRESHING NA!..
Kinuha ko na yung mga hanger with school blouse,skirt,necktie,medyas, and syempre sapatos...at ayun sinuot ko na ISA-ISA  dahil hindi naman kayang isabay-sabay.
kinuha ko na yung suklay at naglagay ako ng kung ano anong panlagay at pan-design sa aking buhok..

Pagkatapos ng mga gawaing yan...

May naririnig akong maingay sa labas,akala ko nung una may nagpuputol ng puno sa labas.. Yun pala yun yung tricycle na sasakyan namin papuntang school..
Habang nasa byahe ako .. nagbabasa rin ako sa cellphone ko ng EBOOK yun yung mga story na nai-da-download sa cellphone. Pagdating ko sa school, naglalakad na ako papunta sa aking room .. bago ako makarating sa room ko, dumaan muna ako sa canteen at bumili ng itim na bolpen.. naalala ko kasi na nawala ko nga pala yung bolpen ko kahapon..

At ayun nga ang sinasabi ko , muntik na nga akong malate , dahil kasabay ko na ang teacher ko na nakamotor at ako naman ay naglalakad lang.. bale may pagtakbo na rin akong ginagawa...
Pagkadating ko nga sa room nandun na ang teacher ko.. ibig sabihin late na ako..at alam nyo ang pinagawa sa kin.??

ITUTULOY..

Linggo, Hunyo 9, 2013

Rocking in the Library
ni Aizell Castillo
Grade 7 SPA B

    Tapos na ang recess. Specialization na namin. Hindi ko makita ang mga kasama ko. Nakasalubong ko si Ma'am Doreen. Inihatid niya ko sa library. Andun sina Sir Bong.

         Binigyan kaagad ako ng activity. eto yun....

         Habang nagsusulat ako ini-rorock ko yung upuan ko. napasarap ako ng paglalaro sa upuan. Hindi ko alam na madulas pala yung sahig. Paano ko ba malalaman e first time ko lang pumasok dun sa library. maya-maya dumulas yung upuan. Hindi nakatuon yung paa ko. May lumagapak na sobrang lakas!. Natumba yung upuan ko! Ha Ha ha! Tingininan silang lahat. Hindi ko ito malilimutan. Nakakahiya!

        Kaya ako nagrorocking chair nasanay na ako kasi may rocking chair ang lolo ko noon kaya kahit saan ako umupo ay kahit hindi ko sinasadya ay naiirock ko ang upuan ko. naalala ko tuloy ang lolo ko. Tanda ko nung buhay pa siya palagi akong nakakalong sa kanya habang nakaupo siya sa kanyang tumba-tumba. Oooops! Ibang kwento na yan!



SI MOMMY GlO
Ni Marian Ruth Macaguiwa
Grade 8-SPA-B
                                                                       
     Mabait,maaruga,maalahanin at higit sa lahat hindi marunong magdamot...
yan ang Mommy Glo ko...!!!itm ang kulay ng buhok,mala amerikana ang kulay ng balat,parang lumang barya sa edad...matagal na pero mukhang bago pa rin...kasing lakiat taba man sya ng elepante?!na kahit halos isang upuan na ang kaya nyang masakop..!? naiiba sya sa lahat...kayo na rinang makakapagsabi,matapos nyong basahin ang kwento ko....
   Teka teka?!  ito nga pla ang kwento ko?!  
   Nagsimula kasi ang lahat ng ito ng...........
   Sinundo ako ni Mommy glo sa Mindoro para magbakasyon sa Manila.Nagtatalon ako sa saya...YES YEHEY...!!! Sigaw ko na tuwang-tuwa
    Kinabukasan ng papunta na kami ng Manila.Halos mahilo-hilo na ako sa pagsakayng barko pero nandyan si Mommy Glo para sa akin,kaya itinulog ko na lang ang aking pagkahilo at si Mommy Glo naman ang aking naging sandalan
    Sa pagmulat ng aking mga mata hindi ko manlang namalayan na nasa Batagas Pier na pla kami.bus ang suod na sinakyan namin...at kahit pala sa bus mahiluhin ako..para naman maaliw ako ibinili at ibinigay na nya lahat sa akin kaya pla na i-ispoled ako eh...candy,buko pie,panocha at may simai pa!!!
    Hangang sa nakarating na nga kami sa aming pupuntahan..,sa Manila,Caloocan City...parang naninibago pa nga ako kasi ang tagal ko na ring hindi ulit nakapunta dito!?,Ang sarap pala ng pakiramdam!!!Na kasama  mo ang mahal mo sa buhay na matagal mo nang hindi nakakasama

Nang Dahil sa Tinola
ni Andric Perez
Grade 8 SPA - B

Kasama ko ang mga kaibigan ko. Kakain kami ng tanghalian, sa isang lugar kung saan maraming kainan, pero pagpasok pa lang namin sa kanto makikita na agad ang daan-daang mga estudyante na tulad namin na gutom na rin. Nang makakita ako ng isang bakante doon na sana ako kakain. Pero naisip ko, may mga kasama ako. HIndi ko sila pwedeng iwanan. Kaya naghanap kami nang naghanap ng makakainan. at napadpad kami sa palengke. laking pasasalamat namin at makakakain na kami. Ang daming ulam na mapagpipilian tulad ng yummy fried chicken at wow! Tinola!  Sa sobrang gutom napasarap ang aming pagkain. HIndi namin namalayan ang oras. Nagulat kami dahil oras na ng 1st period namin sa hapon. Ayan tuloy! Na-late kami. napagsabihan agad kami. unang araw ng pasukan.

Huwebes, Hunyo 6, 2013

Mahirap magsisi
By: Princess Mae Andaya

Kailangan bang tumulong? o
Pagmasdan nalang sila?
Mabigat ang sound system
Kung tutulong ako sa kanila..
Maaga akong pumasok
Isa lang ang nakita
Isinama niya ako sa grandstand
Mga limang send ng text ang layo noon
Hindi inaasahang mangyari
Nagbuhat ng sobrang laki at bigat na sound system
Nanlalamig at namumula ang mga kamay
Grabe pala sa bigat ang aking binuhat
Ang tagal matapos ng programa nila
Kaya niyaya ng kaklase na pumunta sa room
Ngunit may dumaang angel sa harap ko
Hindi ako sumama sa kanya..
Lakad pagong akong lumapit sa kanya sabay gitla
Napatingin ang kaibigang kaklase ko sa akin
Dahil sa kakahintay sa walang katapusang programa
Nalate na sa klase
Pinaghanap ako ng bangkong pakalat kalat lang
Walang gentleman sa classroom kaya binuhat kong mag isa ang mabigat
Isang libro ang bigat
Nagpapadyakan ang mga paa
Tila nakanuot naman ng noo ko.
Habang humahanap ng upuan
Bakit kasi hindi pa ako sumama sa klasmate ko
Pero bakit hindi man lang niya ako pinagreserve ng upuan para hindi na mahirapan
Nakakahiya namankung panoorin ko silla
Na parang nasa sinehan
Ngayon narealize ko na nasa huli talaga ang pagsisisi...
Bago ang lahat
By: Alliah Kiara Aceveda


 Kung inuna mo lang sana ako edi may tara ka sa class record ng teacher mo.
 Mas inuna mo pa yang pag dadaldal mo  kaysa yung pinapagawa ng teacher mo.
Gagawin mo lang ako pag may nakita kang kaklase na ginagawa ako.
Kaya nung natapos na siya hindi mo na ako itinuloy.
Kaya nung pasahan na wala kang maipasa kasi inuna mo yang katamadan mo.!
Sa susunod na may assignment ka unahin mo na kaysa makipagdaldalan ka.
Para hindi kana mahuli pag nag pasahan ..
Huli na ang lahat
 By: Ma. Shania Camille Valdez III-SPA B


Kung ginamit mo lang sana ako at ang paborito kong pagkain
Hindi ka na masasaktan ng ganyan
Kailangan mo kami, ngunit hindi mo napansin ang aming halaga
Mas inuna mo pa 'yang mga sweet mong tropa
Ngayon tuloy pinahihirapan ka na nila
Paano na ang ating pagsasamahan?
Kung kukunin ka na ng mga kaaway?
Hindi ko naman hinangad
Na tatagal ang pagkakaibigan na ito
Hanggang sa dulo
Pero sana hindi ganito kaaga...

Miyerkules, Hunyo 5, 2013

TULONG PLS! (modernong Ambahan)

Puro ingay at daldal
tila ba nasa kalye.
kwentuhang walang puknat;
sigawang anong lakas,
malutong na tawanan
mistulang walang hanggan.
tunog ng silyang bakal;
pukpok sa mesang kahoy;
sandamakmak na aklat
nagsilbing piping saksi.
nasaan ba'ng problema?
sa bata o matanda?
baka meron din kayo
lugar na tulad nito
maaari ba naman
sana'y tulungan mo'ko
isip ko'y gulong-gulo
silid aklatan ba 'to?


Inspirasyon
by Aizell Castillo
     Grade 7 SPA B

       Napakamapagmahal, napakamapagbigay at higit sa lahat...napakabait. yun siya!

      Hindi ko malilimutan ang mga panahong lumipas kapiling siya. Hindi man kami gaanong "may kaya" ibinibigay niya ang mga hiling ko mula sa kanya.

      Katulad na lamang noong ako ay nasa ikaapat na baitang pa lang. napili ako ng aming guro na lumahok sa badminton. Kinailangan ko ng gamit upang makapag-ensayo ng lubos. Humingi ako sa kanya ng badminton set. Kahit walang sapat na salapi, ginawan niya ng paraan ang bagay na iyon. nangutang siya para lamang maibigay sa akin ang hiling ko. nakapag-ensayo ako ng maayos. inilaban ako.

     Siya ang inspirasyon ko nung oras na naglalaro ako. Iniisip ko na para sa kanya ang agumpay ko. Sa kabutihang -palad, hindi ako umuwing luhaan. nasungkit ko ang ikalawang karangalan!!! Salamat sa iyo!

    Siya ang best "mother in the world!" walang iba kundi ang pinakamamahal kong nanay na si Mama Adelaida Castillo.
Alikabok
by:Marian Ruth Macaguiwa
   Grade 8-SPA-B

Habang tumatagal
Halos lahat kami'y nangangati!
Hindi maintindihan kung bakit!
Halos lahat ay nagtatanong.
Bakit?
bakit nangangati?
noong una
kinakabahan ako
pero napag-isip-isip ko
Baka ito'y asthma
o kaya naman ay skin allergy
kasi nagsimula ito ng
pumasok kami sa room na puro alikabok
tapos kumalat ito ng kami'y naglinis.

Martes, Hunyo 4, 2013

pasakalye

     Tik! Tak! Tik! Tak! Tik! Tak!  Kaybilis talaga ng oras...

      Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Natutuwa ba ako? Nae-excite ba ako? Natatakot? Kinakabahan? Maiihi... Ma...(alam mo na yun).

     Magkaroon kaya akong muli ng pagkakataong maramdaman ang dampi ng kanyang katawan? Madungisan ko na naman kaya ang kanyang makinis na balat? Nasasabik na akong maglakbay at lumikha ng kasaysayan sa kanyang buhay.

    Sana naman, kung sino ang nakatakdang magdikta ng aking direksyon, gawing makabuluhan ang bawat oras...gawing mabunga ang bawat sandali...gawing matayog ang bawat pangarap...gawing malalim ang bawat  kaisipan...mabigyang-buhay bawat buntonghininga. Nang sa gayon, walang masayang na oras... para kahit paano, hindi ako manatiling palamuti lang... na tila ba suntok sa buwan na mabigyang-saysay ang buhay ko dito.