Second chance
By: Ma.Shaina L. Tiburania III-SPA-B
Ngayon ay nag-aagaw -buhay na ako at sa hindi alam na dahilan, parang nasa isang bungang tulog ako dahil kulay puti na ang paligid. At alam ko na kung nasaan ako. Nakikita ko na ang kamay na inaabot sa akin ni Lord. At parang naisulat na yata sa tubig ang mga nangyayari sa mundong ibabaw dahil kinuha ko ang kamay na iniabot sa 'kin. Nagtanong ako sa kanya kung bakit niya ako kinuha agad dahil isa pa lang akong musmos at marami pang maaaring gawin sa buhay. May daga man ako sa dibdib, buong tapang ko iyong nasabi sa kanya. papel Hindi niya ako inimikan, bagkus ay nakatitig lang siya sa akin at waring kinikilatis ako. Nakiusap ako sa kanya na kung pwede ay ibalik nya ako sa lupa dahil marami pa akong gustong magawa roon. nagsalita siya at sinabing "malapad ang papel mo at alam ko rin na marami ka pang gagawin sa lupa. pababalikin kita sa lupa pero walang makakaalala sa 'yo."
Para akong nasakluban ng langit dahil sa sinabi niyang iyon. Ano na lang ang silbi ko sa lupa kung wala nang nakakaalaala sa akin? "At isa pa, kung muli kang makakabalik sa lupa.. iba ka na. Ikaw ang magsabi kung ano nang gusto mong maging kapag pinabalik na kita sa lupa."
Nag-isip ako ng nag-isip. Ano kaya ako pagbalik sa lupa?
Mas gugustuhin ko na lang ang maging taong muli kahit walang nakakaalala sa akin.
"Pero bakit naman tao ulit? Ayos lang sa 'yong maging taong muli kahit walang nakakaalala sa 'yo?" wika niya.
Sumagot ako at sinabing "ayos lang po yun...dahil marami po akong dahilan."
"Ano naman iyon at paano mo mapahahalagahan ang pangalawang buhay na ibinigay ko sa 'yo?"
"Gusto ko po kasing makahingi ng tawad sa mga nagawan ko ng kasalanan. At mapaligaya ang mga mahal ko sa buhay." at ngumiti siya sa akin.
Pagkagising ko, narito na ako sa paaralan. Isang kolehiyo. samantalang noong dati ay isa pa lamang akong elementarya. Pero sabi nga sa akinni Lord, gawin ko daw dapat ng maayos at makabuluhan ang pangalawang buhay na ibinigay niya sa akin.
At ngayon habang naglelesson ang professor namin ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha na katabi ko lang...ang ate ko. Napangiti ako dahil kaya pala nandito ako, dahil ng ate ko. Pagkatapos ng klase namin nag-usap kami ng ate ko at naging magkaibigan kami.
Iba na ang pangalan ko ngayon. Dati ako si Shaina pero ako ngayon ay si Eris. Naging matalik kaming makaibigan. Araw-araw kaming namamasyal sa kung saan-saan. Lagi ko rin siyang pinasasaya. At sabi nya pa sa akin namimis nya daw bigla yung kapatid niyang pumanaw na. At naalala niya raw sa akin yung kapatid niyang yun dahil ang kulit-kulit ko daw. Isang araw, nagbigay ng homework ang aming prof at syempre partner kami ang ate ko...ang bestfriend ko ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento