Linggo, Hunyo 9, 2013
Nang Dahil sa Tinola
ni Andric Perez
Grade 8 SPA - B
Kasama ko ang mga kaibigan ko. Kakain kami ng tanghalian, sa isang lugar kung saan maraming kainan, pero pagpasok pa lang namin sa kanto makikita na agad ang daan-daang mga estudyante na tulad namin na gutom na rin. Nang makakita ako ng isang bakante doon na sana ako kakain. Pero naisip ko, may mga kasama ako. HIndi ko sila pwedeng iwanan. Kaya naghanap kami nang naghanap ng makakainan. at napadpad kami sa palengke. laking pasasalamat namin at makakakain na kami. Ang daming ulam na mapagpipilian tulad ng yummy fried chicken at wow! Tinola! Sa sobrang gutom napasarap ang aming pagkain. HIndi namin namalayan ang oras. Nagulat kami dahil oras na ng 1st period namin sa hapon. Ayan tuloy! Na-late kami. napagsabihan agad kami. unang araw ng pasukan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento