Huwebes, Hunyo 27, 2013

Asukal
Princess Mae Endaya
III SPA B

"Waaaahhhhhh! ano ako? Bakit ako ganito?" Ang malakas na sigaw mula sa isang kwarto sa apartment.

      Minsan abalang-abala si Aiza sa paggawa ng proyekto. Matalas ang kanyang mata kaya kaagad nakita ang maliit na langgam. Halang ang bituka ni Aiza pagdating sa hayop. kaya inapakan niya ang mga langgam.
 
       "Naku! Nakakainis kayo. Sa dinami-dami nyong pwedeng guluhin, ako pa ang napili nyo. Kinain nyo pa ang kendi ko." Kunot na kunot na ang noo nya. Pinatay niya ang maliliit na langgam.

     Kinabukasan, maaga siyang nagising. Parang hinalong pansit ang kanyang isip. gulong-gulo siya. Hindi niya alam ang gagawin. Walang maisip na maidahilan sa kanyang guro. Biglang pumasok saisip niya ang guyam na gumulo sa kanya, kumukulo ang dugo niya sa langgam na iyon dahil ito ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang kanyang proyekto. Napatingin siya saorasan 6:30 na pala.Nagmamadali si Aiza dali dali kinukuha ang toothbrush niya.

    "Blag!" tila isang bagay na nabasag. "Ano bang nangyayari sa'kin, ang liit liit tapos ang itin ko?" Biglang bumukas ang pinto at sumigaw. " Aiza.. Aiza.. Aiza.. Saan kaya nagpunta yun? Yung project namin pa niya tapos. Ang pangangamba ng kaibigan ni Aiza.

     Hindi makasagot si Aiza dahil sa takot na baka iwasan siya ng mga tao pag nalaman na siya ay isang langgam. Nagpalakad lakad siya hanggang makarating sa isang malawak na lugar napuro matatamis na pagkain. Nakita ni Aiza ang langgam na may magarang kasuotan at may nagkikintaban sa mga ulo nito.

    Lakad pagong lumapit si Liza sa kanya, mahinahong nagsalita si Aiza. "Bakit ang lungkot mo?" Maya maya may tumulong luha sa mga mata ng langgam. "Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala!" Napaisip si Aiza hindi niya maintindihan ang sinasabi ng langgam.

     "Sino ka ba ha?" ang tanong ni Aiza. "Ako ang hari ng mga kinagagalitan mo. May munti lang akong tanong sa'yo. Alam mo ba kung nasaan ang aking reyna?" Magsanga sangang dilasi Aiza at naalala niya ang langgam na pinatay niya. Namula ang mukha niya attila may gusto s'yang sabihin. "Anong nangyayari sa'yo, bakit mukha mo'y namumula?"

     "Ahhhhh...(lumuhod sa harap ng hari) Patawad po, hindi ko ko sinasadya." Natulala ang haring at biglang natumba. Galit na galit ang hari kay Aiza kaya pinarusahan niya ito. "Magiging langgam ka habang buhay at ikaw ay magiging alila dito sa aming palasyo!" Napaluhod si siya at nagmakaawa sa hari, ngunit buo na ang disisyon nito.

   Isang araw pinatawag si Aiza ng hari upang bigyan ng gawain. Ngunit kitang kita pa rin sa mukha ni Aiza ang lungkot. Dahil sa galit ng hari sa ginawa sa reyna niya ay hindi niya pwedeng palayain ito. Dahil patakaran nila ito sa palasyo.

  Inutusan si Aiza na pumunta sa lupa at humanap ng pagkain. Habang naghahanap siya, may nakita siyang isaing butil ng asukal. Sa 'di inaasahang pangyayariay naapakan siya, naipit ang tiyan niya. Nag-agaw buhay siya dahil walang tumulong sa kanya, nawalan na siya ng buhay.

   "Aiza, Aiza, Aiza. GISING!" ang munting narinig niya. kidlat siya bilis siyang napabangon. Tumingin tingin sa paligid na parang nawawala siya. Hindi niya alam ang nangyayari, hinalong pansit ang isip niya. "Anong nangyari? Asan ako nasa langit na ba ako?" tuloy tuloy na tanong si Aiza.

   "Hoy Aiza! Nananaginip ka, wag kang loka. Umayos ka! Ang taas naman ng pangarap mo, ano bang nangyari sa'yo?" Hindi sinabi kung anong nangyari sa kanya dahil alam miyang tatawanan lang s'ya ng kaibigan niya. Masayang masaya siya dahil bungang tulog lang ang lahat ng pangyayari ito. Bukalo sa loon  niyang pinangako sa sarili na mamahalin, aalagaan at hindi sasaktan ang mga hayop dahil kagaya rin ng tao kapag may nawala na mahal ay lubos na masaktan sila.

    Para kay Aiza, pangalawang buhay niya ang paggising niya mula sa kanyang panaginip. Pangalawang buhay niya bilang tao at kahit anong mangyari ay mas gusto niyang mabuhay bilang tao.

    Isang araw kumakain si Aiza ng mangga na may lahok sa asukal. Ng may lumapit sa kanyang langgam. Ano kayang gagawin ni Aiza?...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento