Huwebes, Pebrero 19, 2015


JOKER
 Jovelyn Perciana


Lagi..
Patawa ka ng patawa
Magpasaya ang hangad
Ang mga ngiti sa mata nya
Di natin alam
Kabaliktaran nito
Ang masalimuot na buhay
Na gustong baguhin
Upang makalimutan
Dinadalang problema
Sa pagpapatawa
Nahuhugot ang lakas
Dahil may bukas pa.

Miyerkules, Pebrero 4, 2015

“May Pag-asa Ba?”
By: Jovelyn Perciana

Ang dukhang hampas lupa
Ay ‘sang kahig ‘sang tuka
Minsa’y nangungulila
Sa ama at sa ina.

Banat ang buto araw-araw
Na para bang isang kalabaw
Kahit na ang ulam ay sabaw
Di makapagsalitang “ayaw”.

Di maiwasan na
Malulong sa droga
Pati na binata
At mga dalaga.

Mga mata nila’y nangingitim
Nakakapit na rin sa patalim
Pati sa droga nakatikim
Ngayo’y nagsisi ng mataimtim.

Kaya ang ibang kabataan
Nakaranas ng kaguluhan
Ngayo’y nagdarasal na lamang
Sa ating mahal na may lalang.
BANSA NG KAHIRAPAN
BY :MOSES ALCANTARA

Maraming nangungulila
Ngayong kay hirap ng bansa
Buhay ng mga pamilya
Isang kahig isang tuka.

Naglaganap mga krimen
Nagnanakaw ng pagkain
Sa mga mall at tindahan
Ito’y dahil sa kahirapan.

Kaawaan natin sila
Mga bata at dukha
Normal na tao din sila

Wag mawalan ng pag-asa.
“SHARE YOUR BLESSINGS”
BY: ANN JOY ABELLA

Ang tamis ng pakiramdam
Nang pangrap ay makamtan
Maitim na karanasan
Ito’y ating nalagpasan.

Mata’y kumikinang-kinang
Mga pera’y di mabilang
Nakalatag sa harapan
Mabuhanging kayamanan.

Dukhang ngangailangan
Ay ating pamagihan
Gamit mga kayamanan

Para sa kinabukasan.
KAHIRAPAN
BY:ERIKA F. RAYMUNDO

Isang kahig ,isang tuka
Kanyang pagod ay nanalantana
Ang pamilya ay umasa
Sunud-sunuran sa kanya

Nagbubungkal ng basura
Upang sya’y kumita
Makakain ng sagana
Kahit galling sa basura

Ang kahinaan ay hamon ng buhay
Upang silay mamuhay ng matiwasay
Nagtratrabaho ng matagal upang mabuhay

Pamilya ang inspirasyon upang mabuhay
KAHIRAPAN KAHIT SAAN
By:Lorenza D. Leviste

Pera’y hirap kitain
Pambili ng pagkain
Pagbabanat ng buto
Kaylangang maranas mo.

Aking nasisilayan
Maraming kahirapan
Dito sa kabayanan
Maging sa kabukiran.

Tao’y walang awa
Kung makita ay dukha
Di nila iniinda
Hirap na dala-dala.

Kahirapan ng bayan
Di natin maiwanan
Iba’y ginagamitan
Ng sobrang kasamaan.

Laging pinabayaan
Labis na kahirapan
Hindi masulusyunan

Ating pamahalaan.

Martes, Pebrero 3, 2015

KAPALARAN
By:Aizell M. Castillo

Nagdildil ng asin
Salat sa makakain
‘ sang kahig, isang tuka
Pamumuhay ng dukha.

Sikmura’y humihiyaw
Lalamunan ay uhaw
Kumakalam ang tiyan
Dahil sa kahirapan.

Sa biyaya ay salat
Ang katawan ay patpat
Pagkain at tulugan
Pangunahing kailangan.

Lupit ng kapalaran
Kanilang namulatan
Kahirapa’y tuldukan

Tiyaga’t sipag Kaylangan.