Lunes, Pebrero 2, 2015

Pagsalubong kay santo papa
by: ann joy d. abella

Mga tao ‘ y di magkamayaw
Lolo kiko’y sinisigaw
Sa pagdating ng santo papa
Hirap ay hindi iniida

Bawat ngiti ng santo papa
Sinasalubong ng kay saya
Problema’y biglang nawawala
Pilipinong may disiplina

Dalawang bata ay nag-alay
Ng bulaklak kay santo papa
Pagdating ay binigyang buhay
Binasbasan at pinagpapala

Ito ay isang karangalan
Na madama ang kabanalan
Mula sa santo papa’ng mahal
Ipinagpala ng maykapal.

Taos puso nating tinanggap
Upang sa sarili’y maakap
Ang pag-ibig ng panginoon

Magmula noo at sa ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento