Martes, Pebrero 3, 2015

DUKHA
BY: NEIL FRANCIS F TEMPLANZA

Buhay nila ay madilim
Tinatapakan lang natin
Nasasadlak sa ilalim
Ang pangarap nila mandin.

Ang umaga’ y walang kulay
Ganyan ang kanilang buhay
Ang awa ay hinihintay
Kahit na sa habang buhay

Isang kahig isang tuka
Ganyan ang mga dukha
Wag gumawa ng masama
At tumutulong sa ‘yong kapwa.

Wag na wag kang magsasawa
Ika’ y manampalataya
Manalig ka’ t umunawa

Ikaw ay magpapala.

1 komento: