Lunes, Pebrero 2, 2015

ANG ATING SANTO
PAPA
by: neil francis f. templanza

Mga tao’ y nagsaya
Nang siya’ y bumisita
Walang duda, siya na
Huwaran ng makata

Noong siya’ y nagmisa
Pilipino’ y nagpunta
Kahit na may bagyo pa
Nagtiis lahat sila

Si Pope Francis talaga
Walang kupas ang saya
Doon sa kanyang misa
Siya’ y nagpapatawa

Mahal kong santo papa
Tayo’ y tinuruan nya
Tamang asal at iba
Sa’ ti’y binigay niya

Ang ating santo papa
Mahal ko at nang iba
At sa paglisan niya

Pilipino’ y na- miss sya

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento