“May
Pag-asa Ba?”
By:
Jovelyn Perciana
Ang dukhang hampas lupa
Ay ‘sang kahig ‘sang tuka
Minsa’y nangungulila
Sa ama at sa ina.
Banat ang buto araw-araw
Na para bang isang kalabaw
Kahit na ang ulam ay sabaw
Di makapagsalitang “ayaw”.
Di maiwasan na
Malulong sa droga
Pati na binata
At mga dalaga.
Mga mata nila’y
nangingitim
Nakakapit na rin sa
patalim
Pati sa droga nakatikim
Ngayo’y nagsisi ng
mataimtim.
Kaya ang ibang kabataan
Nakaranas ng kaguluhan
Ngayo’y nagdarasal na
lamang
Sa ating mahal na may lalang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento