Lunes, Pebrero 2, 2015

POPE OF THE POOR
LORENZA D. LEVISTE

Taclobay binisita
Bagyoy di ininda
Basta makapagmisa
At siya ay makita.

Kaming mga mga pilipino
Nagpasalamat ng husto
Napakalaking pagbago
Iyong ginawa sa mundo.

Di man kita nakita
Alam kong kakaiba
Ugaling dala-dala
Saan ka man magpunta.

Sa anu mang delubyo
Kamiy kapiling mo
‘Sa’ng panig ng mundo
Ikay nasa puso ko.

Sa magandang balita
Na iyong dala dala
Iyong ipinadama
Ikay aming kasama.

Lahat ng winika mo
Siguradong totoo
Jorje  Mario Bergoglio
Ikay pinupuri ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento