Bakit naging Matulis ang Sungay ng Tamaraw?
(Alamat ng tamaraw)
Princess May D. Roxas SPA CW Grade 8
Sa isang malawak na kapuluan, may isang ubod ng yabang na
nagngangalang Raw. Mayroon siyang matikas na pangangatawan. Sa tuwing may
kautusan ang hari ay siya ang pinagbibilinan nito. Kaya’t ganun na lamang ang
pagtingin niya sa kanyang sarili na napakataas niya sa mga taong naninirahan
ditto. Matagal na siyang binabalaan ng kanyang ina na huwag gumawa ng mga bagay
na ayaw mong gawin sa iyo.
Isang tanghali, habang siya ay papunta sa palasyo upang
ibigay ang bagay na ipinag-uutos ng hari, mayroon siyang nasalubong na
matandang babae na puro bulutong ang kanyang pangangatawan. “Iho, Maari ba
akong makahingi ng kaunting tubig na maiinom at pagkain sapagkat ako’y
nagugutom na?” ang pagmamakaawa nito.,”mayroon ka bang pagkain at tubig na
nakikita mong dala-dala ko?” ang pagyayabang nito. “Dahil sa ‘yong di paggalang
at kayabangang ipinamalas nararapat na parusahan ka.” Sabi ng matanda. At nag-iba ang anyo ng matanda. Isa pala
magandang diwata na matagal nang nagbababala kay Rawi. “magkakaroon ka ng
matulis na sungay na magpapalatanda na ikaw ay gumawa ng hindi maganda sa iyong
kapwa at mag-iiba ang iyong pisikal na anyo. Dahil sa kayabangan at pagmamalaki
mo sa iyong sarili.” Ang sambit ng diwata. Pagapang na lumayo si Rawi mula sa
diwata. Naalala ni Rawi ang bilin ng kanyang ina. “huwag gumawa ng bagay na
ayaw mong gawin sa ‘yo.”
Mula noon, tinawag na si rawi na Tamaraw kasi sa tuwing
naaalala ni Rawi ang bilin ng kanyang ina, ang laging sambit nito ay “TAMA RAW”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento