Huwebes, Pebrero 19, 2015


JOKER
 Jovelyn Perciana


Lagi..
Patawa ka ng patawa
Magpasaya ang hangad
Ang mga ngiti sa mata nya
Di natin alam
Kabaliktaran nito
Ang masalimuot na buhay
Na gustong baguhin
Upang makalimutan
Dinadalang problema
Sa pagpapatawa
Nahuhugot ang lakas
Dahil may bukas pa.

Miyerkules, Pebrero 4, 2015

“May Pag-asa Ba?”
By: Jovelyn Perciana

Ang dukhang hampas lupa
Ay ‘sang kahig ‘sang tuka
Minsa’y nangungulila
Sa ama at sa ina.

Banat ang buto araw-araw
Na para bang isang kalabaw
Kahit na ang ulam ay sabaw
Di makapagsalitang “ayaw”.

Di maiwasan na
Malulong sa droga
Pati na binata
At mga dalaga.

Mga mata nila’y nangingitim
Nakakapit na rin sa patalim
Pati sa droga nakatikim
Ngayo’y nagsisi ng mataimtim.

Kaya ang ibang kabataan
Nakaranas ng kaguluhan
Ngayo’y nagdarasal na lamang
Sa ating mahal na may lalang.
BANSA NG KAHIRAPAN
BY :MOSES ALCANTARA

Maraming nangungulila
Ngayong kay hirap ng bansa
Buhay ng mga pamilya
Isang kahig isang tuka.

Naglaganap mga krimen
Nagnanakaw ng pagkain
Sa mga mall at tindahan
Ito’y dahil sa kahirapan.

Kaawaan natin sila
Mga bata at dukha
Normal na tao din sila

Wag mawalan ng pag-asa.
“SHARE YOUR BLESSINGS”
BY: ANN JOY ABELLA

Ang tamis ng pakiramdam
Nang pangrap ay makamtan
Maitim na karanasan
Ito’y ating nalagpasan.

Mata’y kumikinang-kinang
Mga pera’y di mabilang
Nakalatag sa harapan
Mabuhanging kayamanan.

Dukhang ngangailangan
Ay ating pamagihan
Gamit mga kayamanan

Para sa kinabukasan.
KAHIRAPAN
BY:ERIKA F. RAYMUNDO

Isang kahig ,isang tuka
Kanyang pagod ay nanalantana
Ang pamilya ay umasa
Sunud-sunuran sa kanya

Nagbubungkal ng basura
Upang sya’y kumita
Makakain ng sagana
Kahit galling sa basura

Ang kahinaan ay hamon ng buhay
Upang silay mamuhay ng matiwasay
Nagtratrabaho ng matagal upang mabuhay

Pamilya ang inspirasyon upang mabuhay
KAHIRAPAN KAHIT SAAN
By:Lorenza D. Leviste

Pera’y hirap kitain
Pambili ng pagkain
Pagbabanat ng buto
Kaylangang maranas mo.

Aking nasisilayan
Maraming kahirapan
Dito sa kabayanan
Maging sa kabukiran.

Tao’y walang awa
Kung makita ay dukha
Di nila iniinda
Hirap na dala-dala.

Kahirapan ng bayan
Di natin maiwanan
Iba’y ginagamitan
Ng sobrang kasamaan.

Laging pinabayaan
Labis na kahirapan
Hindi masulusyunan

Ating pamahalaan.

Martes, Pebrero 3, 2015

KAPALARAN
By:Aizell M. Castillo

Nagdildil ng asin
Salat sa makakain
‘ sang kahig, isang tuka
Pamumuhay ng dukha.

Sikmura’y humihiyaw
Lalamunan ay uhaw
Kumakalam ang tiyan
Dahil sa kahirapan.

Sa biyaya ay salat
Ang katawan ay patpat
Pagkain at tulugan
Pangunahing kailangan.

Lupit ng kapalaran
Kanilang namulatan
Kahirapa’y tuldukan

Tiyaga’t sipag Kaylangan.
NASAAN ANG TAGUMPAY?
By: Champin M. Club

Tulo ng gripo ang pawis
Init ay nakakainis
Sa panahon na kay pula
Gayundin taong abala

Pagkagaling sa trabaho
Kay hirap ng dinaranas
Ang kanyang ulam ay taho
Dahil buhay niya’y malas
Sa araw ng tag-ulan
Ito ang kalungkutan
Walang kanin at ulam
Nadaig pa ng langgam

Kasing kupad ang pagong
Kaya’t ulam niya’y bagoong
Naghihintay ng biyaya
Ngunit walang mapapala

Mag-isa habang buhay
Yan ang kanyang kalagayan
Hinahangad ang tagumpay

Ngunit wala syang paraan 
DUKHA
BY: NEIL FRANCIS F TEMPLANZA

Buhay nila ay madilim
Tinatapakan lang natin
Nasasadlak sa ilalim
Ang pangarap nila mandin.

Ang umaga’ y walang kulay
Ganyan ang kanilang buhay
Ang awa ay hinihintay
Kahit na sa habang buhay

Isang kahig isang tuka
Ganyan ang mga dukha
Wag gumawa ng masama
At tumutulong sa ‘yong kapwa.

Wag na wag kang magsasawa
Ika’ y manampalataya
Manalig ka’ t umunawa

Ikaw ay magpapala.
ATE NAMIN ;)
BY: NEIL FRANCIS TEMPLANZA

Si Ate Champin talaga
Mabait at maganda pa
At sa workshop sa umaga
Trabaho’ y tinatapos na.

Ang mga kaibigan nila
Lagi syang maaalala
At pagpasok sa eskela
May good vibes na hatid siya.

Siya na at wala nang iba
Kaklase namin na masaya
At pag naka – graduate na sila

Ugali niya ’y mami- miss na.
BESTFRIEND AIZELL J
By: ANN JOY D. ABELLAL

Masayahing mag-aaral
Ang kaibigan kong mahal
Ang kaklase kong madaldal.

Pangala’y Aizell Castillo
Sya ay batang matalino
Sa klase ay seryoso
Sa kanya ako’y nabago.

Masakit magsalita
Pero may habag at awa
SPA ay pinapasaya

Sa ’min sya ay mahalaga.
SI AIZELL
BY: CHAMPIN M. CLUB

sa iyong pag-uugali
hindi ko mahuli-huli
para bang may mga mali
sa mga bawat sandal.

sa iyong katalinuhan
at sa iyong kasiyahan
kami ay nasasamahan
kahit meron nasasaktan.

sa iyong taglay na lakas
masyado ka nang marahas
at sa iyong paggagalaw

iyo namang nililinaw.
KAIBIGAN KO

BY:LORENZA  D LEVISTE

nang una syang nakita
bigla agad nagduda 
na ugaliy masama
at hindi kaaya-aya.

sikretoy nalaman mo
kaibigang totoo
minsan ay barumbado
pero laging magulo.

pandak man at maitim
di mo mailihim
siya ay mabait din

kaibigang kong Jovelyn.
SI LORENZA
By: JOVELYN I. PERCIANA

Sikreto ko’y alam nya
Pati aming pamilya
Ika’y dadamayan nya
Sa lahat ng problema.

Lagi ko siyang nakakasama
Ugali niya ay maganda
Mabait na matulungin pa
Masaya ako sa kaniya.

Hindi mo siya kayang utakan
Sapagka’t doon sya panlaban
Hindi ko sya kayang palitan

Lorenza ang kanyang pangalan.

Lunes, Pebrero 2, 2015

SANTO PAPA NG LAHAT
BY:ERIKA F. RAYMUNDO

Siya ay nagpunta
Upang sya’y nagmisa
Lahat ay sumaya
Nang sya’y  magmisa

Sa pagdalaw ng Santo Papa
Lahat ng tao ay pumunta
Kahit na mayroong bagyo pa
Dahil ito’y tiniis nila

Ang iyong kabutihan
Dumadaloy kaylanman
Siya’y iniibigan
Ito’y umaalinsangan

Nakikiisa ang lahat sa kanya
At nagturo sa tuwi-tuwina
Maraming salamat sa kanya
Maraming tao ang umaasa

Siya ay si Pope na ating hinahangaan
Na pwede nating maging sandalan
Sya ay nagmisa, marami ang nagsihandaan

Patungo sa karunungan
Pagbista ni Pope Francis
By: Moses Alcantara

Sa Villamor Airbase lahat ay masaya
Masilayan lamang ang mahal na Papa
Mabendisyunan at mangitian niya
Kaysaya nang si Papa ay dumating na.

Nang siya ay nagmisa doon sa MOA
Maraming tao ang pumunta sa misa
Walang tigil ang katuwaan at saya
Ng ang kanyang bendisyun ay makamtam na.

Maraming salamat sa mahal na Papa
Inspirasyon sa akin at sa iba pa
Ipamahagi natin at isagawa
Mga aral at turo sa tuwi-twina.
Pagsalubong kay santo papa
by: ann joy d. abella

Mga tao ‘ y di magkamayaw
Lolo kiko’y sinisigaw
Sa pagdating ng santo papa
Hirap ay hindi iniida

Bawat ngiti ng santo papa
Sinasalubong ng kay saya
Problema’y biglang nawawala
Pilipinong may disiplina

Dalawang bata ay nag-alay
Ng bulaklak kay santo papa
Pagdating ay binigyang buhay
Binasbasan at pinagpapala

Ito ay isang karangalan
Na madama ang kabanalan
Mula sa santo papa’ng mahal
Ipinagpala ng maykapal.

Taos puso nating tinanggap
Upang sa sarili’y maakap
Ang pag-ibig ng panginoon

Magmula noo at sa ngayon.
ANG ATING SANTO
PAPA
by: neil francis f. templanza

Mga tao’ y nagsaya
Nang siya’ y bumisita
Walang duda, siya na
Huwaran ng makata

Noong siya’ y nagmisa
Pilipino’ y nagpunta
Kahit na may bagyo pa
Nagtiis lahat sila

Si Pope Francis talaga
Walang kupas ang saya
Doon sa kanyang misa
Siya’ y nagpapatawa

Mahal kong santo papa
Tayo’ y tinuruan nya
Tamang asal at iba
Sa’ ti’y binigay niya

Ang ating santo papa
Mahal ko at nang iba
At sa paglisan niya

Pilipino’ y na- miss sya
PAGBISITA NG SANTO PAPA
by : champin m. club

Pagdating ng santo papa
Ligaya ng mamamayan
Ang dinanas at nakita
Pagod ay nakalimutan

Sa iyo ay pagkalinga
Kami ‘ y iyong nasamahan
Kahit namomroblema
Ay nagawan ng paraan

Ikaw parin ay nariyan
At kami ay dinalangin
Na araw ay  kaligtasan
Ito ‘ y aming lilinangin.

Sa iyong taglay na lakas
Wala ng sakit at malas
Na magpapalit ng buenas
Na hindi man umaatras.

Pope francis ay isabuhay
Upang sa ating tagumpay
Nagbigay ng kahulugan
At sa ating kabuhayan.
  
Ng siya ay bumisita
Pilipino ay nagsaya
At nagbigay ng papuri
Sa simbahan at nagmisa.

At sa kanyang pag alis
Mga tao ‘ y namimis
At sa ngiting matamis

Ikaw na nga Pope Francis.
POPE FRANCIS
jovelyn i. perciana

Ang iyong kabutihan
At ang ‘yong kabaitan
Wala itong hangganan
At di mapapalitan.

Mga bata’y napasaya
Dahil dinalaw mo sila
Hinagkan at niyakap pa
Pilipino’t pilipina.

Aming paghihintay
Kami’y nagpupugay
Nais magtagumpay

Nang panghabangbuhay.
POPE OF THE POOR
LORENZA D. LEVISTE

Taclobay binisita
Bagyoy di ininda
Basta makapagmisa
At siya ay makita.

Kaming mga mga pilipino
Nagpasalamat ng husto
Napakalaking pagbago
Iyong ginawa sa mundo.

Di man kita nakita
Alam kong kakaiba
Ugaling dala-dala
Saan ka man magpunta.

Sa anu mang delubyo
Kamiy kapiling mo
‘Sa’ng panig ng mundo
Ikay nasa puso ko.

Sa magandang balita
Na iyong dala dala
Iyong ipinadama
Ikay aming kasama.

Lahat ng winika mo
Siguradong totoo
Jorje  Mario Bergoglio
Ikay pinupuri ko.