Huwebes, Agosto 15, 2013

SAYAW SA SAPATOS
RENZ JAKE G.L. CABA
Mapanglaw ang gabi sa sala ng mag-inang Andag at Piloy. Mahalumigmig ang klima sa upuan, ang mag-inang magkatabi, ay maluwal ng hindi nagkikibuan. Nakatagilid si Inay Andag patalikod kay Piloy, nakatihaya naman at nakatitig sa telebisyon si Piloy.
Malalim  ang iniisip ni Inay Andag. Nadarama iyon ni Piloy .
         “Piloy….”  Matapos makapag buntong hininga ay sinambit ni Inay Andag. Ang mahinang himig nito ang tanging nakagambala sa katahimikan.
Hindi kumikibo, ni hindi gumagalaw gayong nararamdaman niya’ng dumadantay ang hininga ng kanyang ina sa kanyang  batok.
        “Piloy.... Gising ka pa ba? tawag ulit ni Inay Andag.” May mahalaga akong sasabihin sa’yo…” “Alam ko na” tugon ni Piloy.” Kung gayon payag ka ba?” “Pag-iisipan ko muna….” Malamig halos walang pakiramdam ang tinig ni Piloy. “Pero kung ako gagawin ko…” “Piloy..” Salo pa ni Inay Andag. ”Maglalabing anim na taon na tayong magkasama buhat ng ampunin kita sa Bayan ng Sapatos  at nakitaan kita ng angking galing sa pagsasayaw. Aanhin mo pa yang talento mong yan  kung hindi mo yan ipamamalas. Mabuti pa ang mga puno nag-sasayaw pag hinanahangin kahit nakikita sila.”
Tumalab kay Piloy ang sinabi ni Inay Andag. Parang dulo ng kris na nagpagapang ng lamig sa kanyang katawan.
         “Wala akong kapangyarihan humadlang sa gusto mo.” Mahinang tugon ni Piloy .” Ngunit ang inaalala ko lang kung sasali ako sa Labanan ng Sayaw sa Bayan ng Sapatos ay baka lamang ako pagtawanan .” Dagdag pa ni Piloy. “Kaya nga kailangan mo na ipamalas ang iyong galing sa pagsasayaw. Pagtawanan ka man ng iba ay nakakapagbigay inspirasyon ka naman sa iba na may kapansanan” Tugon ni Inay Andag.
Nabuhayan ng loob si Piloy kaya napag pasyahan niya na sumali sa Labanan ng sayaw sa Bayan ng Sapatos sa makalawa.
         “Tiyak mga mayayaman nanaman ang sasali sa Labanan ng Sayaw sa Bayan ng Sapatos. Oo nga tara kidnapin natin yung unang kalahok. Oo nga tiyak tiba-tiba nanaman tayo” Usapan ng mga kidnapers.
At dumating ang araw na hinihintay ng lahat ang Labanan ng Sayaw sa Bayan ng Sapatos .
         “Ladies and Gentleman, dumating na ang araw na ating pinaka hihintay. At ngayon tawagin nanatin ang unang kalahok. Siya ay nagmula sa ibabaw ng Libro Great Dancer siya kung tawagin” Salita ng Host.
At ng lumabas sa intablado si Piloy  ay nagtawanan ang manunuod.
         “Hahaha Great Dancer ba yan ay Pilay yan eh. Oo nga hahaha.” Panlalait ng mga nanunuod
Narinig ni Piloy ang panlalait sa kanya kaya lumabas siya ng intablado . Laking gulat ng mga may kapansanan na katulad niya.
          “Oh bakit lumabas yun sayang interesado pa naman ako sa kanya”salita ng isang pilay
Pauwi na sana  ngunit nakita siya ng kanyang Inay na papunta sa Labanan ng Sayaw.
          “Piloy… San ka pupunta?’’ Tanong ni Inay Andag . Napatulo ang luha ni Piloy.”
Oh bakit ka lumuluha?” Tanong ni Inay Andag.” Ganun po pala sila”. Pagsusumbong ni Piloy habang lumuluha ang mga mata nito .” Sabi ko naman sa’yo noon na kahit pagtawanan ka ay lalo mo pa dapat galingan ang pag sasayaw mo.” Paliwanag ni Inay Andag. “Ganun po ba yunn nay.” Oo ganun yun anak.” Tugon ni Inay Andag. “ Tara balik na tayo sa Labanan ng Sayaw.” Dagdag pa ni Piloy.
At pumunta silang mag ina sa labanan ng sayaw. Lumabas muli si Piloy sa ibabaw ng intablado at nagpalakpakan ang lahat ng may kapansanan. Dahil sa Palakpakan ng marami ay nadagdagan ang lakas ng loob si Piloy. At nagpakita siya ng kakaibang galing sa pasasayaw.
          “Wow ngayon lang ako nagkita ng ganito sayaw. Oo nga ako din. Pilay pero magaling sumayaw. Wow talaga hanep”

Tinanghal na nanalo si Piloy at malaki ang kanyang napanaluhan. Kaya pinagbabalakan siya ng mga Kidnapers….
                                           ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento