Miyerkules, Agosto 14, 2013

  ANG SUMPA
zaranya cess mae
III -SPA-B


Si “JP” ay isa sa mga tinuturan ko. Magalang at mabait siyang bata. First year high school na si Jp. Masipag rin siya. Ngunit nagtataka ako kung bakit siya di nagpapasa ng proyekto sa takdang panahon; pero kayang kaya naman ito ni JP dahil taglay nyang katalinuhan .         
                                  
Minsan nakita ko siya sa upuan nya. Namumutla at para bang may malalim na iniisip  nilapitan ko si JP tinanong ko kung bakit siya namumutla .May ikinewento sa akin tunkol sa pamilya nya; watak watak na ang na ang pamilya ni JP .Naikwento nya sa akin na may nawawala siyang kapatid.Ayaw na niyang sabihin kung anong dahilan ng pagkawala ng kapatid nya.

Isang araw tinanghali ng pasok si jp. Napansin kong may pasa ang kanyang katawan . Tinatanong ng kaklase nya kung bakit sya may pasa pero ayaw sabihin. Hindi sinasadya ni david na masanggi ang braso ni Jp. “Ano parang nanadya ka yata  ah…..” ang sabi ni jp sa kaklase nya na si David. Nagtataka ako kung bakit para bang nagbabago n si jp, pero naaawa rin ako sa kanya dahil sa mga pasa sa katawan niya. Napansin ko rin sa kanya na lagi siyang may dalang damit na maliit, “ kanino bang damit iyan at lagi mong dala?”ang tanong ko sa kanya.Niyapos ni jp ang damit at may biglang  lumagpag sa mga mata ni jp mga munting luha .“ Sa aking mga kapatid ito sapangkat namimiss ko na siya ang tagal na namin hindi nagkikita .”malambing na sagot ni jp sa aking tanong, hindi ko mapigilan ang aking mata sa pag iyak.Pinayuhan ko na lang si JP upang  makatulong ako sa kanya.

   Isang araw, nakita ko ang munting damit ni Jp na naiwan niya sa kanyang upuan kinuha ko ito nabitiwan ko ang damit at napa upo ako. Nagulat ako sa aking nakita puro dugo ang damit napasigaw ako. Di ako magkaintindihan, litong-lito ako, hindi makapagsalita. Nilapitan ako ni Jp, “Mam, ano po bang nangyari?” ang tanong sa akin ni Jp. Inabot ko ang munting tela na puro dugo. Napaupo si Jp at nagsisigaw. “B-b-bakit puro dugo ang damit na iyan?” ang natatakot na tanong ko kay Jp.

Minsan, habang ako’y naggagawa ng “class record”, may tumawag sa akin numero lang ito. Sinagot ko ang tawag, “Hello? Sino po ba ito?” ang tanong ko. “Hello din mam, kamag-anak po ito ni Jp. May importante lang akong sasabihin sa kanya, tungkol sa kapatid niya. Kayo na po ang magsabi.” Ang paglalahad sa akin ng nasa kabilang linya. “Ano po ba iyon?” may halong pagtataka kong tanong. “Patay na po ang kapatid niya, mag iisang linggo na…” habang umiiyak niyang sagot. Nabitiwan ko ang telepono pagkatapos niyang sambitin ang bagay na yon. Hindi ako makapaniwala, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jp…

Kinabukasan, habang nasa linya ang mga mag-aaral… Tinawag ko si Jp at pinasunod sa silid-aralan. Sinabi ko lahat ng sinabi sa akin ng kamag anak niya. Nagwala si Jp, ngunit pinigilan siya ng mga napadaang estudyante sa silid.

“B-b-bakit ? pero nangako ka Alex sa’kin na walang iwanan?!” ang humahagulgol na wika niya. Ipinaliwanag ko kay Jp na baka oras na talaga ng kapatid niya at ipagdasal nalang niya na sana ay makarating sa langit ang kanyang pumanaw na kapatid. Umuwi si Jp sa probinsya upang makiramay sa kapatid niya. Hinihintay ko ang pagbabalik ni Jp ngunit hindi na ito nagbalik. Nabalitaan ko na lang na sumunod na pala si Jp sa kapatid niya. Halos mamula ang mata ko kaiiyak, naalaala ko ang masasayang araw na pagsasama namin ni Jp. Nabalitaan ko rin sa kapamilya ng aking pumanaw na estudyante na ang ikinamatay ni Alex ay palaging binubugbog ng umampon sa kanya. Nalaman ko rin sa kamag anak ni Jp na isinumpa ang dalawang magkapatid na kapag binubugbog si Alex ay si Jp ang nasasaktan. Naalala ko ang mga pasa ni Jp sa katawan niya.Noong araw palang iyon ay binubugbog si Alex. Minsan, muli kong naisip si Jp. Nasaan na kaya ang magkapatid? Sana masaya na silang dalawa dahil magkasama na sila ngayon.

Pasukan naman ,may bago naman akong nakitang mga mukha. Habang naglilinis ang mga mag aaral may napansin ako na isang bata na nasa isang sulok namumutla  at may mga pasa sa katawan. ‘’Bakit kaya puro pasa ang bata?’’ Hindi kaya isinumpa rin siya?......


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento