‘’SAGABAL SA TAGUMPAY’’
Aizell Castillo
Grade 7
‘’Pag-aaral
ay pagbutihin,upang kinabukasa’y mapaghandaan”.Ang pag-aaral ang siyang susi sa
ating tagumpay.Walang direksyon ang buhay ng mga taong walang pinag-aralan. Ang
pinag-aralan ang isa sa mga bagay na hinding –hindi mananakaw ng sinuman.Kung
mapapansin natin,napakarami nang mga naiimbentong mga ‘GADGETS’ na syang
nakakaagaw-pansin sa pag-aaral ng mga kabataan ngayon.
Sa
kasalukuyan,napakarami nang mga pagbabagong nagaganap sa ating paligid,kumpara
noog sinaunang panahon.Nariyan ang pagkakaroon ng makabagong
teknolohiya.Nariyan din ang pagkakaimbento ng iba’t ibang gamit upang mapadali
ang komyunikasyon katulad ng cellphone at computer.Lalong-lalo na noong umuso
ang larong ‘’DOTA’’ na siyang kinahihiligan ng mga kalalakihan.kaya may
pagkakataon na sila ay nagsasagawa ng
“cutting classes’’ upang makapaglaro.
Nakasasamang
nakabubuti,ewan ko,hindi ko maintindihan,ang hirap ipaliwanag!!!
May pagkakataon na nakasasama ang
teknolohiya sa kabataan sa pagkat masyado nila itong kinahihiligan at
napababayaan na nila ang kanilang pag-aaral .Mayroon ding pagkakataon na natutu
silang magsinungaling.Kagaya ng karanasan ko dati , humingi ako ng pera sa
akung magulang at nagpaalaam ako na sa computer ko kukuhanin ang sagot .Ngunit
hindi totoo na naggawa ako ng takdang-aralin kundi ako’y nagfacebook lamang .
Mayroon
ding mga sandaling nakabubuti ang teknolohiya para sa mga
kabataan.Sa pagkat minsan , malaki rin ang naitutulong nito para sa
atin. S mga estudyanteng mayroong cellphone,nakatutulong rin ito sa pagkat
napagkukunan ito ng impormasyon kung ito ay may ‘’wi-fi’’at kung ito rin ay may
‘’google’’.Gayundin ang compoter sa pagkat malaki rin ang naitutulong nito sa
atin sa pagkat nakakakuha rin tayo ng impormasyon mula sa computer.Maraming
mapagpipiliang programa sa computer na syang nakakapagpadali sa
pag-aaralkatulad ng ‘’google’’,’’youtube’’,’’encarta’’at iba pa.
Ang mga ‘’gadgets’’ ay nilikha
upang mapag-aliwan,mapaglibangan,pampalipas-oras at syempre upang pagkuhanan ng
impormasyon .’’Ikaw, anong silbi ng ‘’gadgets’’ sa’yo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento