Miyerkules, Agosto 14, 2013

May Bago Akong Natuklasan
By: Ma. Shania Camille Valdez

Alam mo ba, may bago akong natuklasan. Nakakatuwa at kapani panibago. Ops! Wag maexcite, si crush ang ikkwento ko. Tago nalang natin sa palayaw na "Froilan".

Sa Bulacan. ito nakaupo ako sa ypuan ko, hindi nga ako nakikinig kay Maam kasi nagde daydream ako. Si crush, nung unang araw na nakita ko siya.

FLASHBACK. Nag uusap usap kami ng mga kaibigan ko sa sala nila. May pangalan silang nabanggit na parang kahit kailan hindi ko makakalimutan, "Froilan". Wala sa loob na natanong ko sa kanila kung sino siya, nacurious bigla ang lelang mo. Sabi nila pupunta daw yun mamaya diyo. Ayun, na excite naman ang lola mo, yay! Lumipas ang kalahating oras, biglang dumating ung boyfriend "daw" ng kaibigan kong si Keith. Medyo na disappoint ako kasi akala ko siya yung Froilan. Pero after lang ng five minutes may sumunod na lalaking matangkad, medyo payat at 'di mashadong kaputian. Goosebumps ang peg ni Loley! Hahaha. Heben yun pare! lab at pers sayt. Akala ko naman boyfriend nung isang kaibigan o kaya medyo nagpakalma ako. *pout* pero kinikilig talaga ako. Tinanong ko nalang kung nasaan si Froilan. Bigla naman silang nagtawanan. So, baliwan ang peg?! What's so funny about that question? Sorry sa english :D Nagkataon pa na nung nagtanong ako nasa likod ako nitong si "Kuyang kararating lang", tapos nakita ko din siyang pangisi ngisi. Seriously, ano bang problema nila? Tinanong ko kung anong problema dun. Pero bigla nalang tumawa si Kuyang  nasa harap ko, tumayo siya at inabot yung kamay niya sa akin, siya daw si Froilan. So? Siya pala si Froil... WHAAAAAATTT?! Halata pa din siguro ang pagkagulat sa mukha ko that time. Nakabawi naman ako at *lubdub lubdub lubdub* Ayan, may problema ba 'tong puso ko?Anlakas nanaman ng tibok. Di bale, papacheck up nalang ako sa Saturday. Tumawa nalang din ako medyo awkward na tawa. Umupo nalang ako sa tako nung kaibigan ko. Psh. Lalanggamin na ata 'tong dalawang magdyowa, kanina pa naglalambingan. Pero shempre tumutok nalang ako sa television, paminsan minsan tumitingin ako sa kanya. grabe, ang gwapo niya, matangos ilong, medyo brown yung kulay ng balat, black yung hair, hindi kaliitang mata, at kissable lips. Phew! :p Napalunok ako ng laway. Nandoon din yung pagka masungit type niya. Pero okay lang haha. Crush ko na ata 'toh. XD

Ayun mag iisang oras na'kong walang imik, nanunuyo na laway ko. So I decided to have a clear throat at nag salita, tinanong ko kung gusto ba nila ng polvoron at magluluto ako. Oy! Shempre marunong ako nun no. Anong akala niyo sakin readers? Hahaha, by the way hindi naman sila tumanggi so pumunta ako sa bahay para kumuha ng pera at gatas. At sa kasawiang palad, hindi ako nakabili. Kasi naman walang gatas? Skim ata yun e. Aba! mahal kaya yun. Bumalik nalang ako sa bahay nila Keith. As in Keyt! :D sinabi ko nalang sa kanila na wala 'kong pera pambiling gatas. :) nanuod nalang ulit kami, balik sa dating pwesto. Minsan nahahagip ko yung mata niyang nakatingin sa'kin pero bigla siyang iiwas ng tingin. so, BIG AWKWARDNESS.

Nagkkwentuhan sila tungkol sa mga lovelife nila. OP ako, huhuhuhu. BAD! Bigla namang... napatigil ako sa pagmumuni muni nung biglang pinag usapan si Froilan. Na curious naman daw ako kaya pinakinggan ko sila. Sabi ni Keith wala daw girlfriend si Froi. Oo, Froi haha. Nakakatamad naman kung Froilan pa diba? Binigyan ko nalang siya ng As-If-I-Care look. Umuwi na ko, kaantok na ko eh.



Kinabukasan. Pag gising ko may nagtext agad saken ng Hi. Nireplayan ko naman agad ng Hello. Nagreply agad ampupu. Hyper ah? XD Tinatanong kung kilala ko daw ba siya. Aba! shempre, kinuha ko kaya number niya kagabi kay Keith. Kaya lang na amnesia na ko, hindi ko siya natext. Psh -_____- Nagkwentuhan lang kami, guess what? Hindi naman pala siya boring katext. Tinanong niya ko kung may boyfriend daw ako. Sabi ko ka-break lang, tadhana nga naman. *evil smile*

Lumipas ang isang linggo, nagkagaanan kami ng loob. Anytime na makakatext ko siya, ang saya saya sa pakiramdam. Nandito\ na rin ako sa Oriental Mindoro, bakasyon pa din. Habang nakaupo ako sa sala nagring yung phone ko. Tinanong niya kung pwede daw ba kami. Kinagulat ko naman yun, sabi ko pag iisipan ko muna. Okay naman sa kanya. Kinagabihan sinabi ko sa kanya na sige, okay lang saken.Basta siguraduhin lang niya na ako na talaga yung gusto niya, alam mo na? Baka pagsisihan niya kasi. Hindi naman daw. Okay fine, haha kidding. Masaya ako, halata ba? Hindi. Haha ewan ko ba. Syempre joke lang, feeling ko ako yung pinakamasayang nilalang sa earth! Grabe. Ngayon alam ko na, na hindi lang sa materyal na bagay sasaya ang tao. May bago akong natuklasan, "CRUSH AKO NG CRUSH KO!"

-End of Flashback-

"Shania, problem?" Ay si Mam pala. Napalakas ata yung pagkkwento ko kay Shaina. Amp naman. Nakita ko naman 'tong katabi ko pangisi ngisi. Psh. Tumayo ako at nag sorry kay Mam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento