SA GITNA NG MATUWID NA DAAN
Renz Jake G.L. Caba
Grade 7
Taong
2009 ay nanalo ang aking idolo na si “PNOY”. Maraming mga Pilipino’ng
nagtatanong kung tayo ay patuloy na naglalakbay sa “Daang Matuwid” . At anu ba
ang ibig sabihin ng “Daang Matuwid”
Nasa
gitna na tayo ng paglalakbay sa “Daang Matuwid “ at hanggang ngayon ay hindi pa
natin alam kung. Ano ba talaga ang daang matuwid?, Saan ba tayo patungo?, Tuwid
pa rin ba ang ating tinatahak?, Tama ba ang ginagawa ng mga namumuno sa atin?,
Totoo ba ang mga sinasabi nila sa atin. Yan ang ilan sa mga tanong na hindi pa
rin masagot ng maraming “Pilipino”
Ngunit
sa pagbubukas ng Camara at Senado ay mag uulat nanaman si PNOY ng kanyang mga
ginawa ngunit kahit pa naguulat siya ng
kanyang mga ginawa ay marami pa ring nagagalit sa kanya dahil ang rason nila ay “Lahat naman ng kanyang mga sinasabi
ay pawing kasi nungalingan lamang. Sabi nila tayo ang bos pero tingnan ninyo
naman tayo naghihirap”
Ngunit
kung ilalabas ko ang aking reaksyon ay kampi ako sa mga pumapalakpak kay PNOY
dahil maayos naman ang kanyang pamumuno. Sabi ng iba si PNOY daw ay walang
pakiaalam sa pagbawas sa PDAF ng mga senador at congresista at wala din daw
siyang pakialam sa mga ahas sa departamento. Ngunit sinabi naman ni PNOY sa
kanyang mga bos ay “hindi porket wala kayong naririnig sa akin ay ligtas na
kayo pinapa-imbistigahan ko na kayo naniniwala ako na malapit na tayong
magkita”
Kailangan
nating sundin ang ating pinunu dahil naniniwala ako na wala naming ginagawa si
PNOY sa bansa na ikakasama. Ang masasabi ko sa mga ralihista ay bakit kayo nagproprotesta
hindi ba’t tayo ring mamayan ang nagluklok sa kanya sa pwesto, hindi ba’t tayo
ring mamayan ang naghikayat sa kanya na tumakbo sa pagka PRESIDENTE.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento