Martes, Agosto 13, 2013

SI ZANDER AT ANG MGA LUMANG SCHOOL SUPPLIES
ni Jose Andric N. Perez
Grade 8

Ako ang espada ng pag-aaral. Ako ay isang mahabang ruler. Imbis na gamiting panukat o pangtuwid ay ginagamit ako sa paglalaro. Tulad ng espa-espadahan.

Ako ang papel. Ang blangko palagi. Walang nagsusulat sa akin at ginagawa akong eroplanong laruan.

Ako ang ballpen. Hindi ako mahawak-hawakan dahil tamad magsulat ang bumibili sa akin. Pwede nyo rin akong paglaruan.

Ako naman si gunting. Ginagamit panggupit sa buhok. Pwede ring paglaruan tulad ng “parlor-parloran” ng mga bata.

‘Pag binili nyo kami meron na kayong laruang mura.

June na naman, handaan na sa pagpasok,nagsisibilihan na ng mga kagamitan sa pag-aaral si nanay pero ang batang ito ay nag-iisang bumili ”hoy,bata bili ka nan g school supplies” sabi ng tindera , sa naglalakad at tila naghahanap ng school supplies”ahh meron po ba kayong school supplies,tulad ngruler na mahaba,papel na marami,ballpen na walang tinta at gunting na di katilusan?tanong ng bata”oo meron kaminyan sagot ng tindera sa bata”
“Pabili po ng lahat ng binanggit ko,sabi ng bata”
‘’Parang tayo na ang hinahanap ng batang yan, tara!!’’, isip-isip ng mga walang kwentang school supplies. ‘’O iyo na yan,mga walang kwentang school supplies, h’wag mo nang bayaran yung iba’’ sabi ng tindera.
Inuwi ng bata ang binil nya isang dukha at ulila sa magulang kaya ugali’y may kasamaan
‘’Tita tapos na akong bumili’’ sigaw ng bata, ‘’o may tira ka pa bang pera?’’tanong ng tita, ‘’wala na sagot ng bata’’, ‘’maghanda ka na at pasukan na bukas’’ sabi ng tita nya.
Kinabukasan,  alasais pasado na ‘’naku’ baka malate ako’’ ,sabi ng bata , pagkagising.Pagkatapos nyang maligo , mabihis at  iba pa. Dinala nya ang mga gamit nya sa school,na puro hindi na pwedeng magamit. Siya ay Grade 5, sa mamabang paralan malapit sa kanila.
Pagpasok nya ay pinakuha agad siya ng ballpen, at papel dahil ang ballpen na iyon ay walang tinta at para sa tamad hindi siya nagsulat kasama ang ibang tarantado sa room nila. Ang papel na sinulatan ay ginawa nalang eroplano at bangkang papel, pagnabasa ay pinababayaan na nila, kaya nagdudulot ng mga kalat. Wala silang natutunan sa buong araw, halos ang grupo ni Zander, Zander nga pala ang pangalan ng bata, ang bukod tanging tamad at hindi nag-aaral, kaya hanggang ngayon ay grade 5 parin sila. Ginawa rin niyang laruan ang ilang gamit na binili sa paaralan.
Pinagespada-espadahan nya ang ruler na mahaba, dahilan naman ni Zander ang walang tintang ballpen , kaya hindi siya nagsusulat
Pinatawag ng namumuno ng school supplies ang binili ng bata na school supplies,’’kayong mga sirang  kagamitan bakit nyo pilit na nilalapit ang sarili nyo sa mga bata,’’sabi ng namumuno sa sirang school supplies.” Eh!pinuno kaya po ganito po kami eh ito ang gusto nila ang maglaro nang maglaro”sagot ng isa sa kanila “kahit na mali pa rin yoon dahil dyan paparusahan ko kayo,at ang parusa nyo ay dapat mapabago nyo ang bata sa kanyang walanghiyang ugali”Opo”sagot nila.
Isang hapon ang lumipas pinag-usapan nila kung paano mapapabago ang ugali na bata,
Kina-umagahan,pangalawang araw sa eskwelahan ni Zander,”tita mapasok napo ako”,sabi ni Zander.
magsusulat sila ng nasa chart at syempre hindi na namn magsusulat si Zander dahil sa dahilang walang tinta ang ballpen,at ng nilapitan ng teacher si zander ay nahuling hind nagsusulat “zander,bat hindi ka nagsusulat ‘’tanong ng  teacher,’’mom wala pong tinta ang aking ballpen’’,sagot ni Zander. Nang tinisting ng teacher kung wala ngang tinta ang ballpen,ay napahiya si zander dahil may tinta ito,kaya napilitang magsulat si zander. Hanggang recess ay isip-isip pa rin niya kung paano nangyari iyon,nanibago rin ang kanyang mga tropa sa kanya .
kinabukasan subject nila sa hapon ay  arts,pinakuha na teacher ang arts matials na gunting ta papel,at dahil purol ang gunting nya , hindi nya ito ginamit,nakita sya na teacher na walang ginagawa kaya nilapitan sya,”oh bakit hindi ka naggagawa? Tanong ng teacher, Eh! Purol po kasi ang gunting ko,sagot ni zander.nang tiningnan ta pinanggupit ni zander ang gunting ay napaka talas nito at nagupit nya ng tama ang pinagawa at natuwa ang teacher,at muling naguluhan si Zander !!!,ano ba tong nangyayari sakin parang magic. Uwian na , at hindi siya pinansin ng tropa nya. Ayaw na namin sayo , kasi ngabago kana , sabi ng mga kaibigan nya. Pagka-uwi niya sa bahay niya , ay pinakita nya ang ginawa nyang perfect sa school, laking tuwa naman ng tita nya. ‘’Sigurado ka bang ikaw ang nagagawa nito ‘’,tanong ng tita ‘’Opo,sagot ni Zander!!!.’’ Aba anong nakain mo at nagbago ka yata? Tanong ng tita nya’’ Pumunta ng kwarto si Zander at isip na isip at hindi mapakali na parang balisang- balisa, kung bakit nangyari sa kanya ito.
Lumabas sa bintana ang isang na may sulat na ballpen na hugis eroplano at tuwid na maganda ang pagkakagawa. Nakasulat ditto ang tungkol sa nangyari sa kanya.
‘’Dear Zander, alam namin naguguluhan ka at alam mo bang nagbaba go kana , nagiging ayos kana sa pag-aaral mo, at ugali mo’’. At tuloy-tuloy na ang pagiging maayos ni Zander, lagi na siyang nagawa ng activity, tuwing sabado nalang siya naglalaro. Natutuwa naman ang mga lumang school supplies dahil hind na sila ginagawang laruan ng bata tulad ni Zander. Kapansin-pasin din kay Zander ang pagiging palasagot sa klase  at nagongopo narin siya sa mga nakakakatanda.
Dahil sa kanya naging good boy narin ang kanyang mga kaibigan, hindi rin nyang akalaing tataas ang marka nya, at hindi parin siya naliliwanagan. Pero ang mahalaga sa kanya ngayun ay proud ang tita nya sa kanya at tumaas ang marka nya nagkaroon pa nga ng parangal na pinakamalaking binago ng ugali sa kanilang paaralan at siya iyon.
Naging bago  at kapakipakinabang na ang mga luma at walang kwentang school supplies na binili ni Zander at natutunan nila na , kung sila ang magiging paraan para maging maayos ang isang bata sa pag-aaral ay dapat nila itong pagbutihan.
Pangtuwid ang ruler, sinusulatan ng ballpen ang papel, pinang-gugupit ang gunting, yan ang nakataktak sa isipan ngayun ni Zander sa mga School supplies na dati nyang pinag-lalaruan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento