Huwebes, Agosto 15, 2013

SAYAW SA SAPATOS
RENZ JAKE G.L. CABA
Mapanglaw ang gabi sa sala ng mag-inang Andag at Piloy. Mahalumigmig ang klima sa upuan, ang mag-inang magkatabi, ay maluwal ng hindi nagkikibuan. Nakatagilid si Inay Andag patalikod kay Piloy, nakatihaya naman at nakatitig sa telebisyon si Piloy.
Malalim  ang iniisip ni Inay Andag. Nadarama iyon ni Piloy .
         “Piloy….”  Matapos makapag buntong hininga ay sinambit ni Inay Andag. Ang mahinang himig nito ang tanging nakagambala sa katahimikan.
Hindi kumikibo, ni hindi gumagalaw gayong nararamdaman niya’ng dumadantay ang hininga ng kanyang ina sa kanyang  batok.
        “Piloy.... Gising ka pa ba? tawag ulit ni Inay Andag.” May mahalaga akong sasabihin sa’yo…” “Alam ko na” tugon ni Piloy.” Kung gayon payag ka ba?” “Pag-iisipan ko muna….” Malamig halos walang pakiramdam ang tinig ni Piloy. “Pero kung ako gagawin ko…” “Piloy..” Salo pa ni Inay Andag. ”Maglalabing anim na taon na tayong magkasama buhat ng ampunin kita sa Bayan ng Sapatos  at nakitaan kita ng angking galing sa pagsasayaw. Aanhin mo pa yang talento mong yan  kung hindi mo yan ipamamalas. Mabuti pa ang mga puno nag-sasayaw pag hinanahangin kahit nakikita sila.”
Tumalab kay Piloy ang sinabi ni Inay Andag. Parang dulo ng kris na nagpagapang ng lamig sa kanyang katawan.
         “Wala akong kapangyarihan humadlang sa gusto mo.” Mahinang tugon ni Piloy .” Ngunit ang inaalala ko lang kung sasali ako sa Labanan ng Sayaw sa Bayan ng Sapatos ay baka lamang ako pagtawanan .” Dagdag pa ni Piloy. “Kaya nga kailangan mo na ipamalas ang iyong galing sa pagsasayaw. Pagtawanan ka man ng iba ay nakakapagbigay inspirasyon ka naman sa iba na may kapansanan” Tugon ni Inay Andag.
Nabuhayan ng loob si Piloy kaya napag pasyahan niya na sumali sa Labanan ng sayaw sa Bayan ng Sapatos sa makalawa.
         “Tiyak mga mayayaman nanaman ang sasali sa Labanan ng Sayaw sa Bayan ng Sapatos. Oo nga tara kidnapin natin yung unang kalahok. Oo nga tiyak tiba-tiba nanaman tayo” Usapan ng mga kidnapers.
At dumating ang araw na hinihintay ng lahat ang Labanan ng Sayaw sa Bayan ng Sapatos .
         “Ladies and Gentleman, dumating na ang araw na ating pinaka hihintay. At ngayon tawagin nanatin ang unang kalahok. Siya ay nagmula sa ibabaw ng Libro Great Dancer siya kung tawagin” Salita ng Host.
At ng lumabas sa intablado si Piloy  ay nagtawanan ang manunuod.
         “Hahaha Great Dancer ba yan ay Pilay yan eh. Oo nga hahaha.” Panlalait ng mga nanunuod
Narinig ni Piloy ang panlalait sa kanya kaya lumabas siya ng intablado . Laking gulat ng mga may kapansanan na katulad niya.
          “Oh bakit lumabas yun sayang interesado pa naman ako sa kanya”salita ng isang pilay
Pauwi na sana  ngunit nakita siya ng kanyang Inay na papunta sa Labanan ng Sayaw.
          “Piloy… San ka pupunta?’’ Tanong ni Inay Andag . Napatulo ang luha ni Piloy.”
Oh bakit ka lumuluha?” Tanong ni Inay Andag.” Ganun po pala sila”. Pagsusumbong ni Piloy habang lumuluha ang mga mata nito .” Sabi ko naman sa’yo noon na kahit pagtawanan ka ay lalo mo pa dapat galingan ang pag sasayaw mo.” Paliwanag ni Inay Andag. “Ganun po ba yunn nay.” Oo ganun yun anak.” Tugon ni Inay Andag. “ Tara balik na tayo sa Labanan ng Sayaw.” Dagdag pa ni Piloy.
At pumunta silang mag ina sa labanan ng sayaw. Lumabas muli si Piloy sa ibabaw ng intablado at nagpalakpakan ang lahat ng may kapansanan. Dahil sa Palakpakan ng marami ay nadagdagan ang lakas ng loob si Piloy. At nagpakita siya ng kakaibang galing sa pasasayaw.
          “Wow ngayon lang ako nagkita ng ganito sayaw. Oo nga ako din. Pilay pero magaling sumayaw. Wow talaga hanep”

Tinanghal na nanalo si Piloy at malaki ang kanyang napanaluhan. Kaya pinagbabalakan siya ng mga Kidnapers….
                                           ITUTULOY

Miyerkules, Agosto 14, 2013

  ANG SUMPA
zaranya cess mae
III -SPA-B


Si “JP” ay isa sa mga tinuturan ko. Magalang at mabait siyang bata. First year high school na si Jp. Masipag rin siya. Ngunit nagtataka ako kung bakit siya di nagpapasa ng proyekto sa takdang panahon; pero kayang kaya naman ito ni JP dahil taglay nyang katalinuhan .         
                                  
Minsan nakita ko siya sa upuan nya. Namumutla at para bang may malalim na iniisip  nilapitan ko si JP tinanong ko kung bakit siya namumutla .May ikinewento sa akin tunkol sa pamilya nya; watak watak na ang na ang pamilya ni JP .Naikwento nya sa akin na may nawawala siyang kapatid.Ayaw na niyang sabihin kung anong dahilan ng pagkawala ng kapatid nya.

Isang araw tinanghali ng pasok si jp. Napansin kong may pasa ang kanyang katawan . Tinatanong ng kaklase nya kung bakit sya may pasa pero ayaw sabihin. Hindi sinasadya ni david na masanggi ang braso ni Jp. “Ano parang nanadya ka yata  ah…..” ang sabi ni jp sa kaklase nya na si David. Nagtataka ako kung bakit para bang nagbabago n si jp, pero naaawa rin ako sa kanya dahil sa mga pasa sa katawan niya. Napansin ko rin sa kanya na lagi siyang may dalang damit na maliit, “ kanino bang damit iyan at lagi mong dala?”ang tanong ko sa kanya.Niyapos ni jp ang damit at may biglang  lumagpag sa mga mata ni jp mga munting luha .“ Sa aking mga kapatid ito sapangkat namimiss ko na siya ang tagal na namin hindi nagkikita .”malambing na sagot ni jp sa aking tanong, hindi ko mapigilan ang aking mata sa pag iyak.Pinayuhan ko na lang si JP upang  makatulong ako sa kanya.

   Isang araw, nakita ko ang munting damit ni Jp na naiwan niya sa kanyang upuan kinuha ko ito nabitiwan ko ang damit at napa upo ako. Nagulat ako sa aking nakita puro dugo ang damit napasigaw ako. Di ako magkaintindihan, litong-lito ako, hindi makapagsalita. Nilapitan ako ni Jp, “Mam, ano po bang nangyari?” ang tanong sa akin ni Jp. Inabot ko ang munting tela na puro dugo. Napaupo si Jp at nagsisigaw. “B-b-bakit puro dugo ang damit na iyan?” ang natatakot na tanong ko kay Jp.

Minsan, habang ako’y naggagawa ng “class record”, may tumawag sa akin numero lang ito. Sinagot ko ang tawag, “Hello? Sino po ba ito?” ang tanong ko. “Hello din mam, kamag-anak po ito ni Jp. May importante lang akong sasabihin sa kanya, tungkol sa kapatid niya. Kayo na po ang magsabi.” Ang paglalahad sa akin ng nasa kabilang linya. “Ano po ba iyon?” may halong pagtataka kong tanong. “Patay na po ang kapatid niya, mag iisang linggo na…” habang umiiyak niyang sagot. Nabitiwan ko ang telepono pagkatapos niyang sambitin ang bagay na yon. Hindi ako makapaniwala, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jp…

Kinabukasan, habang nasa linya ang mga mag-aaral… Tinawag ko si Jp at pinasunod sa silid-aralan. Sinabi ko lahat ng sinabi sa akin ng kamag anak niya. Nagwala si Jp, ngunit pinigilan siya ng mga napadaang estudyante sa silid.

“B-b-bakit ? pero nangako ka Alex sa’kin na walang iwanan?!” ang humahagulgol na wika niya. Ipinaliwanag ko kay Jp na baka oras na talaga ng kapatid niya at ipagdasal nalang niya na sana ay makarating sa langit ang kanyang pumanaw na kapatid. Umuwi si Jp sa probinsya upang makiramay sa kapatid niya. Hinihintay ko ang pagbabalik ni Jp ngunit hindi na ito nagbalik. Nabalitaan ko na lang na sumunod na pala si Jp sa kapatid niya. Halos mamula ang mata ko kaiiyak, naalaala ko ang masasayang araw na pagsasama namin ni Jp. Nabalitaan ko rin sa kapamilya ng aking pumanaw na estudyante na ang ikinamatay ni Alex ay palaging binubugbog ng umampon sa kanya. Nalaman ko rin sa kamag anak ni Jp na isinumpa ang dalawang magkapatid na kapag binubugbog si Alex ay si Jp ang nasasaktan. Naalala ko ang mga pasa ni Jp sa katawan niya.Noong araw palang iyon ay binubugbog si Alex. Minsan, muli kong naisip si Jp. Nasaan na kaya ang magkapatid? Sana masaya na silang dalawa dahil magkasama na sila ngayon.

Pasukan naman ,may bago naman akong nakitang mga mukha. Habang naglilinis ang mga mag aaral may napansin ako na isang bata na nasa isang sulok namumutla  at may mga pasa sa katawan. ‘’Bakit kaya puro pasa ang bata?’’ Hindi kaya isinumpa rin siya?......


May Bago Akong Natuklasan
By: Ma. Shania Camille Valdez

Alam mo ba, may bago akong natuklasan. Nakakatuwa at kapani panibago. Ops! Wag maexcite, si crush ang ikkwento ko. Tago nalang natin sa palayaw na "Froilan".

Sa Bulacan. ito nakaupo ako sa ypuan ko, hindi nga ako nakikinig kay Maam kasi nagde daydream ako. Si crush, nung unang araw na nakita ko siya.

FLASHBACK. Nag uusap usap kami ng mga kaibigan ko sa sala nila. May pangalan silang nabanggit na parang kahit kailan hindi ko makakalimutan, "Froilan". Wala sa loob na natanong ko sa kanila kung sino siya, nacurious bigla ang lelang mo. Sabi nila pupunta daw yun mamaya diyo. Ayun, na excite naman ang lola mo, yay! Lumipas ang kalahating oras, biglang dumating ung boyfriend "daw" ng kaibigan kong si Keith. Medyo na disappoint ako kasi akala ko siya yung Froilan. Pero after lang ng five minutes may sumunod na lalaking matangkad, medyo payat at 'di mashadong kaputian. Goosebumps ang peg ni Loley! Hahaha. Heben yun pare! lab at pers sayt. Akala ko naman boyfriend nung isang kaibigan o kaya medyo nagpakalma ako. *pout* pero kinikilig talaga ako. Tinanong ko nalang kung nasaan si Froilan. Bigla naman silang nagtawanan. So, baliwan ang peg?! What's so funny about that question? Sorry sa english :D Nagkataon pa na nung nagtanong ako nasa likod ako nitong si "Kuyang kararating lang", tapos nakita ko din siyang pangisi ngisi. Seriously, ano bang problema nila? Tinanong ko kung anong problema dun. Pero bigla nalang tumawa si Kuyang  nasa harap ko, tumayo siya at inabot yung kamay niya sa akin, siya daw si Froilan. So? Siya pala si Froil... WHAAAAAATTT?! Halata pa din siguro ang pagkagulat sa mukha ko that time. Nakabawi naman ako at *lubdub lubdub lubdub* Ayan, may problema ba 'tong puso ko?Anlakas nanaman ng tibok. Di bale, papacheck up nalang ako sa Saturday. Tumawa nalang din ako medyo awkward na tawa. Umupo nalang ako sa tako nung kaibigan ko. Psh. Lalanggamin na ata 'tong dalawang magdyowa, kanina pa naglalambingan. Pero shempre tumutok nalang ako sa television, paminsan minsan tumitingin ako sa kanya. grabe, ang gwapo niya, matangos ilong, medyo brown yung kulay ng balat, black yung hair, hindi kaliitang mata, at kissable lips. Phew! :p Napalunok ako ng laway. Nandoon din yung pagka masungit type niya. Pero okay lang haha. Crush ko na ata 'toh. XD

Ayun mag iisang oras na'kong walang imik, nanunuyo na laway ko. So I decided to have a clear throat at nag salita, tinanong ko kung gusto ba nila ng polvoron at magluluto ako. Oy! Shempre marunong ako nun no. Anong akala niyo sakin readers? Hahaha, by the way hindi naman sila tumanggi so pumunta ako sa bahay para kumuha ng pera at gatas. At sa kasawiang palad, hindi ako nakabili. Kasi naman walang gatas? Skim ata yun e. Aba! mahal kaya yun. Bumalik nalang ako sa bahay nila Keith. As in Keyt! :D sinabi ko nalang sa kanila na wala 'kong pera pambiling gatas. :) nanuod nalang ulit kami, balik sa dating pwesto. Minsan nahahagip ko yung mata niyang nakatingin sa'kin pero bigla siyang iiwas ng tingin. so, BIG AWKWARDNESS.

Nagkkwentuhan sila tungkol sa mga lovelife nila. OP ako, huhuhuhu. BAD! Bigla namang... napatigil ako sa pagmumuni muni nung biglang pinag usapan si Froilan. Na curious naman daw ako kaya pinakinggan ko sila. Sabi ni Keith wala daw girlfriend si Froi. Oo, Froi haha. Nakakatamad naman kung Froilan pa diba? Binigyan ko nalang siya ng As-If-I-Care look. Umuwi na ko, kaantok na ko eh.



Kinabukasan. Pag gising ko may nagtext agad saken ng Hi. Nireplayan ko naman agad ng Hello. Nagreply agad ampupu. Hyper ah? XD Tinatanong kung kilala ko daw ba siya. Aba! shempre, kinuha ko kaya number niya kagabi kay Keith. Kaya lang na amnesia na ko, hindi ko siya natext. Psh -_____- Nagkwentuhan lang kami, guess what? Hindi naman pala siya boring katext. Tinanong niya ko kung may boyfriend daw ako. Sabi ko ka-break lang, tadhana nga naman. *evil smile*

Lumipas ang isang linggo, nagkagaanan kami ng loob. Anytime na makakatext ko siya, ang saya saya sa pakiramdam. Nandito\ na rin ako sa Oriental Mindoro, bakasyon pa din. Habang nakaupo ako sa sala nagring yung phone ko. Tinanong niya kung pwede daw ba kami. Kinagulat ko naman yun, sabi ko pag iisipan ko muna. Okay naman sa kanya. Kinagabihan sinabi ko sa kanya na sige, okay lang saken.Basta siguraduhin lang niya na ako na talaga yung gusto niya, alam mo na? Baka pagsisihan niya kasi. Hindi naman daw. Okay fine, haha kidding. Masaya ako, halata ba? Hindi. Haha ewan ko ba. Syempre joke lang, feeling ko ako yung pinakamasayang nilalang sa earth! Grabe. Ngayon alam ko na, na hindi lang sa materyal na bagay sasaya ang tao. May bago akong natuklasan, "CRUSH AKO NG CRUSH KO!"

-End of Flashback-

"Shania, problem?" Ay si Mam pala. Napalakas ata yung pagkkwento ko kay Shaina. Amp naman. Nakita ko naman 'tong katabi ko pangisi ngisi. Psh. Tumayo ako at nag sorry kay Mam.

Martes, Agosto 13, 2013

SA GITNA NG MATUWID NA DAAN
Renz Jake G.L. Caba
Grade 7
               
                Taong 2009 ay nanalo ang aking idolo na si “PNOY”. Maraming mga Pilipino’ng nagtatanong kung tayo ay patuloy na naglalakbay sa “Daang Matuwid” . At anu ba ang ibig sabihin ng “Daang Matuwid”
                Nasa gitna na tayo ng paglalakbay sa “Daang Matuwid “ at hanggang ngayon ay hindi pa natin alam kung. Ano ba talaga ang daang matuwid?, Saan ba tayo patungo?, Tuwid pa rin ba ang ating tinatahak?, Tama ba ang ginagawa ng mga namumuno sa atin?, Totoo ba ang mga sinasabi nila sa atin. Yan ang ilan sa mga tanong na hindi pa rin masagot ng maraming “Pilipino”
                Ngunit sa pagbubukas ng Camara at Senado ay mag uulat nanaman si PNOY ng kanyang mga ginawa ngunit kahit pa  naguulat siya ng kanyang mga ginawa ay marami pa ring nagagalit sa kanya dahil ang rason  nila ay “Lahat naman ng kanyang mga sinasabi ay pawing kasi nungalingan lamang. Sabi nila tayo ang bos pero tingnan ninyo naman tayo naghihirap”
                Ngunit kung ilalabas ko ang aking reaksyon ay kampi ako sa mga pumapalakpak kay PNOY dahil maayos naman ang kanyang pamumuno. Sabi ng iba si PNOY daw ay walang pakiaalam sa pagbawas sa PDAF ng mga senador at congresista at wala din daw siyang pakialam sa mga ahas sa departamento. Ngunit sinabi naman ni PNOY sa kanyang mga bos ay “hindi porket wala kayong naririnig sa akin ay ligtas na kayo pinapa-imbistigahan ko na kayo naniniwala ako na malapit na tayong magkita”

                Kailangan nating sundin ang ating pinunu dahil naniniwala ako na wala naming ginagawa si PNOY sa bansa na ikakasama. Ang masasabi ko sa mga ralihista ay bakit kayo nagproprotesta hindi ba’t tayo ring mamayan ang nagluklok sa kanya sa pwesto, hindi ba’t tayo ring mamayan ang naghikayat sa kanya na tumakbo sa pagka PRESIDENTE.
‘’SAGABAL SA TAGUMPAY’’                       
Aizell Castillo
Grade 7

                                ‘’Pag-aaral ay pagbutihin,upang kinabukasa’y mapaghandaan”.Ang pag-aaral ang siyang susi sa ating tagumpay.Walang direksyon ang buhay ng mga taong walang pinag-aralan. Ang pinag-aralan ang isa sa mga bagay na hinding –hindi mananakaw ng sinuman.Kung mapapansin natin,napakarami nang mga naiimbentong mga ‘GADGETS’ na syang nakakaagaw-pansin sa pag-aaral ng mga kabataan ngayon.
                                Sa kasalukuyan,napakarami nang mga pagbabagong nagaganap sa ating paligid,kumpara noog sinaunang panahon.Nariyan ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya.Nariyan din ang pagkakaimbento ng iba’t ibang gamit upang mapadali ang komyunikasyon katulad ng cellphone at computer.Lalong-lalo na noong umuso ang larong ‘’DOTA’’ na siyang kinahihiligan ng mga kalalakihan.kaya may pagkakataon na sila ay nagsasagawa ng  “cutting classes’’ upang makapaglaro.

                Nakasasamang nakabubuti,ewan ko,hindi ko maintindihan,ang hirap ipaliwanag!!!
                
                May pagkakataon na nakasasama ang teknolohiya sa kabataan sa pagkat masyado nila itong kinahihiligan at napababayaan na nila ang kanilang pag-aaral .Mayroon ding pagkakataon na natutu silang magsinungaling.Kagaya ng karanasan ko dati , humingi ako ng pera sa akung magulang at nagpaalaam ako na sa computer ko kukuhanin ang sagot .Ngunit hindi totoo na naggawa ako ng takdang-aralin kundi ako’y nagfacebook lamang .
                                Mayroon ding mga sandaling nakabubuti ang teknolohiya para  sa mga  kabataan.Sa pagkat minsan , malaki rin ang naitutulong nito para sa atin. S mga estudyanteng mayroong cellphone,nakatutulong rin ito sa pagkat napagkukunan ito ng impormasyon kung ito ay may ‘’wi-fi’’at kung ito rin ay may ‘’google’’.Gayundin ang compoter sa pagkat malaki rin ang naitutulong nito sa atin sa pagkat nakakakuha rin tayo ng impormasyon mula sa computer.Maraming mapagpipiliang programa sa computer na syang nakakapagpadali sa pag-aaralkatulad ng ‘’google’’,’’youtube’’,’’encarta’’at iba pa.
                                Ang mga ‘’gadgets’’ ay nilikha upang mapag-aliwan,mapaglibangan,pampalipas-oras at syempre upang pagkuhanan ng impormasyon .’’Ikaw, anong silbi ng ‘’gadgets’’ sa’yo  ?
                               

TUWID NA DAAN
Aizell Castillo.
Grade 7

Ang mga namumuno
Sa ating pamayanan
Matapat bang pinaglilingkuran
Ang ating taumbayan?

Kailan magwawakas
Ang kahirapan ng Pilipinas?
Kailan makakamit
Ang sinasabi nilang daang matuwid?

Kung ang pinuno ay hindi corrupt
At mahal ang mahirap,
Malamang ating masungkit
Ang ating gustong makamit.

Pilipinas ma'y makitid
Atin namang mababatid
Ang daang matuwid.

Lagi nating tandaan
Na ang tunay na kayamanan
Ay ang pagkakaisa
Ng ating lipunan.

Itigil ang corrupt!
Mahalin ang mahirap!
Payo ko yan kapatid
Upang daang matuwid
Ay ating mabatid!



Pangako Sa Inyo
Jose Andric N. Perez
Grade 8


Bayang may korapsyon
Bayang may demolisyon
Bayang may kaguluhan
Bayang nagpapatayan
Bayang nakakatakas ang bilanggo
Bayang sa ibang bansa’y may atraso
Bayang marami ang abuso
Bayang sira-sira ang kalikasan
Dahil hindi inaalagaan
Bayan na sa eleksyon ay may dayaan
Ngayo’y namumuno’y tapat daw sa bayan
At kanyang tatahakin tuwid na daan
Masasagawa nya kaya ito
O, paasahin na naman tayo
Pagkaupo nya sa kanyang pwesto
Ang daming nangyaring gulo
Sa una’t ikatlong pangako
Natupad ang iba , karamiha’y napako

Kailan malalahat at mabubuo?